Secret: Six

1.5K 51 2
                                    

Natapos kaming kumain ay naghiwalay na kami ng landas, bumalik ng silid si Shiela at Cynthia, kami naman ni Clarice at heto, nakikipag siksikan sa mga tao papunta sa gym, may isang banda raw doon na tutugtog. Kaya heto ako at nagpahila na kay Clarice. Paano ba naman kasi, sabi niya tingin daw kami baka mag pogi.

Napairap nalang ako dahil sa dahilan niya. Habang nakikipag siksikan kami ay feeling ko may nangalabit sa batok ko kaya napatingin ako sa likod ko, mukha namang di ako kilala ng babae kaya nginitian ko nalang pero iba feeling ko, pakiramdam ko hubad ako sa lagay na 'yon.

Nakabusangot ang mukha ni Clarice habang pabalik kami sa room namin, hindi kami makapasok dahil ang dami ng tao, ganun ba kagaling mga 'yon? "Ano ba 'yan! di ako nakakita ng gwapo! kainis." nakanguso pa ito kaya natawa nalang ako sakanya. " bakit si Jamie ba, hindi gwapo? for sure naman sarap ka roon ah?" sinamaan niya lang ako ng tingin na ikinatawa ko naman.

Dumating kami sa Klase na walang guronsa harapan, nag aasikaso raw sa event na asa gym. ay ewan kala mo naman makakatulong sa pag-aaral, kaya siguro di ko na rin hiling na makapanuod doon.

Nag kwentuhan kami ni Clarice hanggang sa mag uwian na at hindi pa tapos ang event na asa gym, nag text nalang ako sa dalawa na mauuna na ako, si Clarice naman ay tatambay na muna sa isang shop malapit rito.

Nag abang ako ng tryke para pauwi, mag iisang biyahe ako hanggang subdivision tapos lalakarin ko na, tutal maaga pa naman ay hindi rin ako sigurado kung makakapasok ba 'tong tryke.

Nakita ko ang Café na pinagpalipasan ko ng oras noong nakaraan, gusto ko uli pumunta roon, pero sa susunod na siguro pag kasama ko na 'yong tatlo.

Nang makadating ako sa bahay namin ay walang tao, baka nag papahinga na muna ng ganitong oras si Nay lita? siguro. Wala rin namang gagawin pa. Dumeretso ako sa kwarto ko, nakita ko doon yung stuffed toy ko na pinadala ko pa dito noong mga nakaraang buwan pa.

Simple short at sando na malaki lang ako sinuot ko. mainit kasi dahil hapon at hindi naman ako naalis ng bahay kaya ayos lang 'to.

Bumaba ako sa kusina para tignan kung anong pagkain pwede kong makain. Sakto namang pag baba ko ay nakita ko si nanay Lita na nag bubukas ng kalan.

"Magandang hapon nang. " lumapit ako't nag mano sakanya. syempre, hindi porket kasamahan namin siya rito ay mag aasta na kaming mas nakakataas sakanya. Oo kami ang amo pero para sa amin si nanang ang magulang, kami ang inaalagaan.

"Magandang hapon din nak. Upo kana muna diyan, pinapainit ko lang 'tong ulam, nagutom kasi ako bigla." tawa nito, tumango nalang ako dahil nakaramdam rin ako ng gutom, kaya nga ako bumaba diba?

Nang matapos si nanang ay nag ayos siya sa lamesa, mag katapat kami. bakit pakiramdam ko ngayon lang kami nagkasabay at nagkasama sa lamesa?

"Nak, alam mo ba narinig ko kayo kumanta uli ni Isaac? naku! napaka ganda talaga ng boses niyong dalawa. nakakatuwa talaga pag naririnig ko kayong nakanta." mahabang lintana nito habang kumakain.

"Ay nako nay, si Isaac kasi magaling kaya nadadala lang ako!" tawa ko pero umiling lang siya. "Magaling ka rin nak, napakaganda ng ng boses mo. bagay na bagay kayo, ay! " napahalakhal ito. kahit pala matanda na, kinikilig parin?

Napag usapan lang namin ni nanang kung ano ano, nalaman ko ring mag grogrocery siya kaya sinabi kong ako nalang mag grocery tutal, wala naman akong ginagawa dito sa bahay.

kumuha lang ako ng pang takip ko sa katawan dahil naka sando nga lang ako sa pang itaas.

"Nang alis na ho ako!" sigaw ko at hinihiling kong umabot 'yon sa kwarto niya.

saktong pag sarado ko ng gate ay pag park naman ng isang pulang kotse. Nice, nakauwi na ang tukmol.

Kunot noo siyang bumaba ng sasakyan niya habang nakatingin sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong nito na agad ko namang pinakita ang listahan na binigay sa akin ni Nanang.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon