Secret: Twenty-Five

520 28 18
                                    

I slowly open my eyes. Umupo ako at sumandal sa uluhan ng kama ko. What the hell happened? I held my chest, pinakiramdaman ko kung masakit pa iyon pero hindi naman na. Maybe I'm just stressed at napuno na talaga ako sa babaeng 'yon kaya sumakit yung dibdib ko?

Wala pa pala akong kain kagabi. Damn. Ramdam ko na ang sakit sa tiyan ko. Inabot ko ang cellphone ko at nakita kong mag alas-onse na pala. Napahawak ako sa ulo ko pagtayo ko dahil parang gumalaw ang nakapaligid sa akin.

Can I wish something right now? Sana wala na 'yong tatlong babae? Pero alam kong imposible 'yon dahil bisita sila ni Aaren. Maybe I can go home now at bumalik na lang rito pag andito na ang kamag-anak namin? How about my plans here together with Isaac? Huwag na lang. Iiwasan kona lang si Aaren at mga kaibigan niya para less stress.

Nastress ako, hindi naman sila worth it.

"Where's my princess?" My mouth made oh and my eyes widened when I hear their voices. Nagmadali ako bumaba para makita sila. Muntikan pa ako mahulog dahil medyo gumagalaw talaga ang paligid ko.

"She's still sleeping I thi–" I cut what he was saying by shouting.

"Kuya!" I ran towards kuya Barron and throwed myself to him. I hugged him tightly and kissed him in the cheeks. Ganoon din din ang ginawa ko kay kuya Sandro. I missed them! Kahit na nung Monday lang ang huli naming kita. Feeling ko, ngayong andito na sila may kakampi na ako!

Kahit na insaar ako lagi ng dalawang 'to ayaw naman nila akong nasasaktan. "Princess.." Kuya Sandro gave me a hug bago ko siya pakawalan. I led them to the dining dahil gutom na ako 'no! "Kain muna tayo mga kuya!" Hila ko sa kanila.

"Baby anong oras pa lang, lagay muna naming 'tong gamit naming sa kwarto, okay?" I nodded. Umupo na lang ako sa assigned seat ni kuya Cloud. Ako na lang kaya umupo rito? For sure pwede lalo na kung hindi naman kami uupo sa dapat naming upuan. Pero for ure din papagalitan ako ni lola! I can't help but to giggle. Asaan na kaya yung grandparents namin?

Nang may dumaang helper ay tinanong ko siya kung asaan sila lola, "Andoon po sa kaibigan nila sa kabilang baryo, pumunta po sila doon kahapon para tulungan sa pagtanim 'yong kaibigan ni Senyor." Tinanguan ko siya.

"Ay ate!" Tawag ko uli rito. "Ano pala niluto ninyong ukam?" I asked her. Baka hindi na naman ako makakain eh! Buti na lag hindi na hipon yung sinabi niyang niluto nila.

Lunch came at nagsidatingan na sila rito sa dining, mabuti naman! Ang tagal kong naghintay dito ha. 'Yong tipong naglaro na ako, bumalik na sa kwarto ko para maligo pero wala pa rin.

Umalis na ako sa inuupuan ko nang dumating na rin si kuya Cloud. Lumipat ako sa tabi ng upuan ni kuya Sid. Sinenyasan ko si Isaac na umupo sa tabi ko. Tahimik ako nang nilagyan ako ng pagkain sa plato ni Isaac. Wala ring nagsasalita sa mga kaibigan ng kapatid ko at ang matatanda kong pinsan lang ang nagakakusap.

"Eat baby. Wala kang kain mula kagabi." I nodded. Buong oras na pagkain naming ay inaasikaso ako ni Isaac. Kinikilig ako sa loob loob ko. Inaasikaso naman niya ako minsan pero ngayon mas maasikaso lang siya sa pagkain namin.

After eating ay pumunta muna ako sa kwarto ko saglit at chinarge ang cellphone na halos isang oras ko pinaglaruan sa dining kanina. Sunod kong pinuntahan ang kusina, I asked someone to prepare me a basket of food at sapin panlatag sa damuhan. I'm planning to invite Isaac to a picnic sa ilalim ng ibang puno namin mamaya.

I'll take this vacation to bond with Isaac.

I'm smiling while jumping towards the kitchen's exit. Ang saya saya ko sa plano ko ngayon.

"Kuya Sid!" Sigaw ko nang makita ko sila sa garden sa harap ng mansion. Wala ang ibang kaibigan ni Aaren, ang mga kuya at si Isaac lang ang andoon na nag-uusap. They looked at me and wave.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon