Secret: Thirty-Two

403 26 12
                                    

"Hinay hinay naman sa pagkain, Collette." Natatawang sabi ni Shiela. Andito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch. Kasama namin si Jam at Isaac. Buti nga at hindi nila kasama si Sunny ngayon. Kasama daw nila Irish at Nathalia.

The good news for today is wala kaming seating arrangement. Kaya si Clarice uli ang katabi ko tapos kami lang uling dalawa.

Hindi ko sila pinakinggan sa paghinay kumain, gustong gusto ko ang Chicken Curry na luto ngayon dito sa cafeteria at pangalawa ko na uling order ito ng kainin. Baka tumatlo pa nga pero pakiramdam ko rin hindi na lang kasi full na ako.

Isang subo pa ang ginawa ko bago ko ilagay ang kutsara't tinidor sa kaliwang parte ng plato ko saka uminom ng binaon kong tubig.

"Done eating like a pig, Collette?" Tumatawang taon ni Isaac kaya di ko napigilang hindi siya kurutin sa hita.

Babooy?! Pig? Kailan pa? Tao ako at ang sexy sexy ko.

"Payat ko tapos sasabihin mo, baboy?"

"Kasi naman kung makakain ka akala mo di ka kumain bago pumasok."

Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang phone ko para pang palipas ng oras. Minuto lang din ang inantay bago nag-aya ang mga kaibigan kong tumambay sa open field. Nang makapwesto ay agad akong humiga at ginawang unan ang hit ani Isaac. Hindi naman siya nag reklamo at nag tanggal lang din ng polo para ipangtakip sa hita ko.

Kung ganyan ka lagi Isaac edi maganda. Hindi yung nasstress ako sa iyo.

Katulad kahapon ay hinahaplos din ang ulo ko, ngunit hindi na ito sa Clarice, si Isaac na ang gumagawa. Ang kakalabas ko lang na phone ay binalik ko na lang uli sa bag at pinanuod na lang ang goinagawang pag lalaro ng apat sa open field ng habulan. Parang mga bata.

"Hindi ba masakit tiyan mo?" Tanong niya habang sinusuklay suklay niya ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay.

Umiling ako. Hindi naman na masakit, siguro kahapon lang yun, sa sobrang asar ko ba kay Sunny.

"Tell me if it hurts again okay?" Tinanguan ko siya,

We spent our time resting and playing at the open field bago kami pumunta sa room, 5 minutes before the class starts. Huling subject na namin ito para sa ngayong araw. Entrep at hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ngayon dahil nakapag discuss naman na kami last week kaya siguro tuloy tuloy na nag lesson namin.

Late ang Prof namin pero hindi iyon dahilan para umalis na ang lahat. May ilang umalis na dahil ten minutes na ang nakalipas pero wala pa rin. Buti na lang hindi ni Miss naabutan ang pag-alis nila.

"Is there any question?" Tanong nito pagkatapos mag discuss sa harapan. Nang wala siyang narinig na nag tanong o nag taas ng kamay ay siya ang nagtawag at saka nag tanong. Ilan ang tinanong niya at nang sa huli ay sinabi niyang wala na siyang matanong. "Oh! I still have a question pala. Ms. Meldin? Please stand up."

Tumayo naman ako. Narinig ko pa ang pag bulong ni Clarice dito sa tabi ko na Misis Martin daw may papekeng ubo pa ito. Ngiti ang sagot ko sa prof namin bago niya sabihing isummarize ko raw ang nilesson namin kanina. Nagthumbs up naman ito sa akin at sa huli niyang tanong ay nainis na ako.

"Isidore Meldin, is he single?" Napakunot ang noo ko.

"No. He have a girlfriend in our province." Kunot noo ko pa ring tanong.

"Oh, probinsyana pala." Tango tango nitong sinasabi at may pagtawa pa.

"That girl is much more better than you." Mukha namang hindi nito nagustuhan ang sagot ko pero nag tanong pa ito tungkol kay Kuya Cloud. "He's already married. None of my brothers are single. And please be professional, oras ng klase tapos mag tatanong ka ng ganyan." Mas lalo itong nainis at pagalit na nag paalam sa amin at mabilis na lumabas.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon