Secret: Seventeen

2K 49 17
                                    

Nang magising ako kinabukasan ay andito na ako sa kwarto ko. I felt ease. Siguro kasi after last night with our talk, gumaan pakiramdam ko, knowing na hindi na galit sa akin si kuya.

Then I remember, Isaac. Tsaka yong si Sunny. ay ewan ko sa kanila. Nakakainis. Bakit ba niya pa kasi dinala 'yon dito? tapos, ex? eh kung makakapit sa braso ng asawa ko wagas.

Ginawa ko na lang dapat kong gawin bago bumaba. Hindi naman na ako tinanghali ngayong araw.

Mula sa mahabang hagdanan ay kita ko ang mga katulong na naghaharibas. Mayroon silang kanya kanyang dala, habang si Manang Ester ay sige utos naman na pumapalakpak pa.

Mga mukha silang langgam na nag-uunahan sino makakuha ng pagkain.

May white ba na langgam?

Aga-aga ganito maabutan ko pag baba? bumaba na lang ako at dumeretso sa kusina. Balak kong uminom ng milo, or hot choco man lang, sana meron sila.

"Ate." tawag ko sa isang katulong na pumasok rito sa kusina. kaagad naman 'tong lumingon sa akin. "May milo po ba rito or hot choco?" Inirapan naman ako nito at dumeretso na lang.

Ay may baliw rin dito.

No choice ako kaya naman uminom na lang ako ng maligamgam na tubig. Asaan ba ang mga tao rito?

Napagpasyahan kong umupo na lang sa sofa. Anong gagawin ko? wala akong makitang tao! Geez, mag cellphone na lang ba ako buong araw? asaan ba sila?

Pinaikot ko ang tingin ko sa buong tanggapan. I was shocked when I saw paintings all over the wall. It was my paintings! Yung mga nabili noon hanggang nitong nakaraan lang ay nakikita ko rito. Pero alam ko may kulang sa mga 'to!

"Ay hala!" Nahagis ko ang cellphone ko na hawak ko nang mag vibrate ito at may kasamang sound. Nakalma ko sarili ko nang mapagtantong may tumatawag sakin. Kainis naman, bigla niglang tumatawag!

Isaac is calling

Oh my gosh! si crush! Amara ikalma mo, si Isaac lang yan, ang asawa mo. Miss ka na naman kaya katinatawagan.

char.

"Yes, hello?" bati ko.

"Did I wake you up?" Hindi sis, ginulat mo nga ako eh, kawawa tuloy cellphone ko.

"No, kagising ko lang. Why?"

"Punta ka rito sa garden niyo. Let's eat breakfast."  Sa narinig ko ay dumeretso na agad ako doon. Magkalapit lang naman ang pool at garden namin.

There I saw them, even the girl named 'Sunny' ay andoon sa lamesa, nakaupo rin at tingin ko dito kakain. wow, thick face.

"Good morning fam!" I greet them with a wife smile. Nagkiss rin ako sa cheeks nila, one by one.

"Grabe ang dami niyong lamesang pinagdikit dikit." Puna ko nang mapansin kong napakahaba nga maman ng lamesa. It's kuya Sandro's turn na, nakatingin 'to sa akin. "I'm not a ghost." kaya naman after ko siya i-kiss sa pisngi at binatukan ko siya. Ano di siya maka move-on doon?

But when it was my kuya Aaron na, I hug him tightly then kissed him sa cheeks. I even heard him chuckled. Hanggang sa umabot ako kambal ko, di ko siya kiniss kaya ang sama ng mukha niya. Habang ako tinuturo ko ang pisngi ko. Hindi naman ako nabigo nang kiniss niya ako. Natawa ako kasi nakabusangot pa rin siya, kaya naman kiniss ko rin siya. "Kidding twinnie!"

Matapos sa mga matatanda ay lumapit ako sa gawi ni Isaac at Sunny, bakit ba magkatabi pa 'tong dalawa? I was smiling nang mamalapit na ako ng husto. "Good morning hubby." I said as I kissed his lips. Smack lang naman 'yon pero parang ang big deal na sa mga lalaki dahil ang sama ng tingin nila kay Isaac.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon