Secret: Thirty-One

281 18 1
                                    

"Hi, I'm home." Bati ko sa kanya at binigyan siya ng halik sa noo

"How's your weekend? Sinabi sa akin na sumama ka sa bar last Friday night." Tumango ako sa kanya at sinabi kung anong nangyari noong last Friday night. Sinabi nito na tinanong siya ni Jam kung alam niya bang andoon siya. I was shocked. Andoon si Jam? Pinahabol pa nito na kinalimutan kong mag sabi sa kanya.

Nag sorry ako at nag paalam na aakyat na muna sa kwarto para magpalit. Nag paalit lang ako ng shorts at shirt na pang bahay at nahiga sa kama tsaka nag brows sa phone. After dinner ay kanya kanya na rin kami ni Isaac na punta sa kwarto dahil maaga na naman kami bukas at tatlong oras na naman ang first period namin.

"Collette, bilisan mo. Lagi na lang kinakatok!" Sigaw niya kaya binuksan ko na ang pinto.

"Excited mo! Bubuksan na nga pinto sumisigaw ka pa. Highblood ka ba?" Inirapan lang ako nito at nilahad ang kamay kaya binigay ko sa kanya ang bag ko. Serve me, aking alipin. Char.

Pumunta na kami sa garahe at umupo na agada ko sa usual na upuan ko at nilagay naman ni Isaac sa likod ang mga bag namin. May laman na ang bag ko dahil second week naman na 'to ng pasok kaya for sure may gagawin na. I just hope that Aaren wil do good at his assessment for today.

Mabilis kaming nakarating sa school at agad niyang kinuha ang bag namin at binitbit iyon. Nag mumukha talaga siyang alipin ko tuwing buhat niya bag ko.

"Good morning, Class. Please do sit down while I introduce your new classmate. Wala siya last week dahil inaayos pa mga papers nito dito. So, Introduce yourself miss." Napatanga na lang ako sa babaeng asa harapan. Hindi ko makakalimutan itong mukha na ito.

"No way.." Halos pabulong kong sabi,

"Good morning. Some of you already know me and some of you are not. Hi, my name is Sunny Lee. Girlfriend of Isaac!" She giggled and I heard my classmates said 'woah'

Hindi ito pina-upo ni miss at pinatayo kami nito dahil aayusin niya raw kami sa upuan. Isa isa niyang tinawag ang mga kaklase namin hanggang sa nabanggit na kami.

"Sunny, Lee.. Martin, Isaac Louis.." Tumigil ito at hinintay munang maka-upo sila bago uli nag tawag. "Meldin, wait, what? Meldin, Amara Collette.. Navarro, Jamie.." Nginitian ako ni Jam bago kami nag tungo sa upuan namin. At least katabi ko si Isaac. Yun nga lang katabi din nito si Sunny.

Tatlong oras na ganito. Sana naman matiis ko.

Iniwan naman kami agad nung prof namin sa immersion kaya nagsibalikan kami sa natural naming upuan. At dahil may oras pa kami, niyaya ako ni Clarice na pumunta sa open field para tumambay. Tinext naman namin yung dalawa kaso hindi nagreply kaya mukhang may klase na sila.

"Hindi ka pala nagsabi kay Isaac na pupunta ka sa Heaven last Friday night?" Oo nga pala, andoon nga pala si Jam nun atulad ng sinabi ni Isaac. Tinanguan ko na lang siya ang nag labas ng libro saka humiga. Ginawa kong unan ang hita ni Clarice.

Asa hita na rin ni Clarice ang polo ni Jamie kaya t-shirt na puti na lang nito ang suot niya pang itaas.

I wonder where's Isaac right now?

Hinahaplos haplos ni Clarice ang buhok ko habang nakikipaglandian ito kay Jam. Dahil sa ginagawa niya ay inaantok ako. May ilang oras pa naman kami bago mag sunod na class kaya iidlip na muna ako.

"Si Isaac," May yumuyogyog sa sa balikat ko kaya dumilat ako't umupo na lang.

Kainis. Wala pa atang sampung minuto na nakaidlip ako tapos ginising naman ako!'

Dinilit ko ang mga mata ko at tumingin sa tinuturo nila. Nakita ko si Isaac at Sunny na papunta sa pwesto namin. Argh! Pwede namang siya lang, bakit kasama pa 'yon? Akala ko ba manliligaw siya? Bakit may kasama siyang iba?

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon