Secret: Five

1.7K 51 0
                                    

"I'm glad na sinuot mo talaga 'yang regalo ko sayo." nginitian ko siya. Nakakahiya, wala man lang akong regalo sakanya. "That's my gift. Kahit na minsan masungit ako sayo, andiyan ka pa rin. I really like you being my buddy." nawala ang ngiti ko nang marinig ang huli niyang salita.

Aray sa buddy ha?

"Wala akong regalo, ano pwedeng pambawi?'' Ngising tanong ko sakanya. Nag sabi siya ng teka lang at umakyat patungo sa kwarto niya. "We'll play and sing?" tanong ko sakanya, tumango naman siya't bumalik na sa tabi ko.

"Yes. but this time, we will record it, and I'll post it din." Wala naman akong reklamo basta hindi lang makikita mukha ko. Ayoko mamaya ma-issue pa ako sakanya sa school. Being the buddy of Louis Isaac Martin? no way.

Napagpasyahan naming sa mini sala nalang mag video, wala namang kaso yun kasi mas okay doon tahimik at medyo kulob pa. "What song?" I shuffled to my playlist. Nang makita ang isa sa mga hilig kong patugtugin kapag mag-isa o wala akong magawa at makikinig lang sa music.

"Let's sing the Shallow by Lady gaga." He nod at inayos na ang mini sala, ang phone niyang gagamitin namin. Naalala ko noong una naming kanta, biglaan yun. Sakto kasing nag gigitara siya kaya pinagplay ko siya, at ako naman kumanta lang saglit. Natuwa kami at ginawa na naming pampalipas oras ang bagay na 'yon noong bakasyon.

"1..2..3.." bilang ko habang tinataas taas ang daliri. Napatawa naman to dahil pati ang ulo ko ay sumasabay. He sang first at sumunod na ako. sa bandang chorus ay sabay kami, ganoon ang nangyayari, may parte siyang solo ako rin pero madalas ay sabay kami.

We smiled to each other nang matapos. Niligpit namin ang phone niya, siya naman na bahala kung kailan niya i-upload 'yon sa social media accounts niya.

"Heart mo naman yung cover natin!" Utos niya at binato ako ng isang unan. Sinimangutan ko siya't binuksan nalang muna ang tv. I'm gonna watch some movie for today bago ko asikasuhin yung reports para sa susunod.

Biology II is a pain in our ass but yeah may mga information namang kailangan na alam ko na so it would be so easy. I'm partner with Irish. alam ko kasi, wala rin siyang ginawa noon at tinignan lang si kuya. I'm not even sure if may alam na siya rito. Will she help me? "Hey, Isaac. May alam na ba si Irish about sa irereport namin next week?"

"Wala pa, I think you should help her out. Di kasi yun maalam sa ganyan lalo na sa reporting." sagot niya habang hindi nakatingin sa akin. Napairap nalang ako like, why? siya pa ang isang mag rereport?

"Like seriously, dude? then why did you pick her pa? and no, I'm not gonna help her. Pagsabihan mo!" kinuha ko ang phone ko. So a movie is playing in our tv dito sa sala, while Isaac is I don't know, maybe browsing sa social media accounts niya? and now me, gonna check our cover.

i.martin Three months being with your buddy is one hella amazing moments. thanks for being with me even tho minsan ang sungit ko sayo. hope we work this thing out. thank you.

I was smiling while reading the caption, kasabay nito ang cover namin ng Shallow. It's a hard one because there's some notes you need to meet.

Nagbasa ako ng ilang comments, some comments are from people I don't know and some of it is from our school.

itsyourIrish I thought I was your buddy?!

Napairap ako nang makita 'yon. oh edi kayo na matagal na mag friends, kayi na buddy. ikaw na, sige.

I click the replies and saw some comments saying, " oh, ate we thought you're the girlfriend and not only a buddy hahaha!" he already have a wife so cut it off!

alexandra.s OMG! I know who own that voice! Your voices sounds great together. tag her!

maraming nag reply rito, like saying..

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon