Secret: Thirty

365 20 7
                                    


"Isaac, what about your dream? Can you sacrifice your dream? What will you do? Stop reaching it because of responsibility?" Tinignan ko siya mismo sa kanyang mata. Kahit ano sa mga tanong ko ay wala pa siyang sinasagot.

Silence doesn't always mean yes. Ibig sabihin rin nito ay ang pagdadalawang isip. You're thinking every word you said, iniisip mo kung may mababawi ba. That's why alam ko na ang sagot niya.

He can't.

I know he can't. Pangarap niya rin yon mula pagkabata, katulad ko, matagal ko na iyun gusto kaya gagawin ko lahat para lang makamit ang pangarap kong matagal na namumuhay sa loob ko.

Nginitian ko siya. "I know you can't, Isaac. No need to –" Napatigil ako nang siya naman ang ngumiti sa akin.

"My dream? Makakamit ko yun. Can I sacrifice it? of course no. And also, I won't stop reaching my goal just because you are pregnant. But I can put it on my second list of priorities. You comes first, Collette." Hindi ko alam kung ano yung pumitik sa akin at bigla nalang may tumulong luha mula sa mata ko.

How can he say that? Nauna ang pangarap niya kaysa sa akin. Bakit siya ganun? Parang ang dali lang niya sabihin ng mga bagay na yun?

"I can't promise that I will stop reaching my dream but I promise that I won't leave you in the process." He hugged my tightly. Ramdam ko ang mga bisig niyang mahigpit na nakapulupot sa akin. We stayed like that for a seconds bago namin narinig ang boses ni Manang Lita.

"Amara, Isaac, meryenda na muna kayo." Ibinaba ni Manang ang juice at biscuits sa tabi namin bago siya nagtanong kung ano gusto naming ipaluto para sa hapunan mamaya. Nag-isip naman ako ng ano ba gusto ko ipaluto.

"Nang, sinigaw please? Asiman niyo po!" tinawanan lang ako ni manang at umalis na para ihanda raw ang luluto-in niya mamaya maya.

Hindi kami nagtagal masyado sa parte ng pool ni Isaac at lumipat na lang sa living room at doon nagmeryeda't nanuod ng movie. When dinner came, tinulungan ko si Manang na maglabas ng plato at kutsara. Pati na rin ang mga kakainin namin. After dinner ay nagpahinga na kami dahil may pasok pa kami bukas.

Maganda lang ngayong sem kasi may free day kami. I mean, one day na walang pasok at gawin buong araw lang ang mga binigay na gawain ng prof sa amin. Wednesday ang araw na yon kaya sakto lang para after ng dalawang araw na magkaibang subject, makakapag pahinga kami.

"Good afternoon, I'm your professor for your entrepreneur." Our second day was boring! As in, hindi pumasok ang prof namin sa physics kanina at ang sa chemistry naman ay nagpakilala lang at umalis din bigla.

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay asa sasakyan ako ni Aaren. Sinundo ako nito kanina sa bahay namin. As usual, weekends ay sa mansion ako mismo ng magulang namin kung saan silang dalawa ang andoon na nakatira.

Bakit ba kasi ang layo nila sa bahay namin?

Tahimik lang kami sa loob ng saakyan kahit na nakabukas naman ang radio. Nakatingin lang ako sa labas nang maalala ko ang usapan namin ni Isaac nakaraan. I want to hear my twin's voice about it.

"Aaren?" Sabi ko habang asa binta pa rin ang tingin.

"Hmm?" Asa kalsada lang ito nakatingin.

"What if I got pregnant?" Katahimikan na naman ang namayani nang itanong ko iyon. Hindi siya napaperno at nabigla, nakunot ang noo niya at hanggang ngayon ay ganon pa rin.

Is he mad?

Nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic ay saka lang siya nagsalita. Sa pagbanggit niya pa lang ng pangalan ko ay kinabahan na ako. Yung tono na naririnig ko kay kuya Aaron pagseryoso siya, pati kay kuya Xander at sa iba pa. Aaren is usually funny, hindi siya ganoon kaseryoso, parang si Ricky.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon