Secret: Twenty-four

533 23 9
                                    

Umiinom ako ng milo, ni kuya Cloud syempre. Yung katulong na napagtanungan ko pa nga yung naka-usap ko kanina para dito sa milo ni kuya Cloud. Maaga rin akong gumising ngayon dahil di naman ako ganoon nakatulog ng maayos. Knowing that Isaac is right beside me.

Gosh! Naalala ko na naman!

"Saan ako matutulog?" Tanong niya sa akin nang makalabas ako sa bathroom. Tinignan ko ang kama ko. Malaki naman 'to, kung sa bawat dulo kami pupwesto ay posibleng di kami magkadikit. Sunod kong tinignan ang sahig ng kwarto ko na may matt. Pinabalik ko sa kanya ang tingin ko at mabilis siyang umiling.

"No. Pagod ako parang-awa mo naman. Pwede pa sa sofa mo," Tukoy niya sa sofa na andito sa loob ng kwarto ko. "Basta huwag lang sa sahig, Amara." Ayaw niya sa sahig kasi malamig at matigas? Pwede naman akong magpakuha ng kutson at ng comforter na pwede niya magamit..

"Uhm, I can ask a helper na kuhanan ka ng kutson at comforter?" Aniko.

"Nah. I'll take the left side of your bed. Ayokong sa lapag parang-awa mon a uli." Humiga na siya sa kama ko ay nag talukbong na ng kumot. Nagkumot na siya agad di ko pa nga nabubuksan ang aircon.

Binuksan ko muna ang aircon bago ako lumapit sa tabi niya. "Goodnight, Isaac." I kissed his hair, the reason bakit niya tinanggal ang pagkatalukbong ng kumot sa mukha niya. He smiled at me and said a good night. "Rest well okay?" He nodded so pumunta na ako sa pwesto ko.

Lord, kayo na po bahala sa aming dalawa rito sa kama.

Pinikit ko na ang mata ko. Nakatulog naman ako agad dahil na rin siguro sa pagod ko mula pa noong umaga tapos nag-exam pa kami na piniga pa utak ko.

Nagising na lang ako bigla kinabukasan ng walang dahilan. Naramdaman kon pang matigas ang inuunana ko kaya nairita ako. Sanay akong malambot ang unan ko kasi dito ako komportable pero ngayon iba. May nakapatong rin sa tiyan ko na kung ano. Wala naman sila Helios at Hilda rito diba?

Fudge. Minulat ko ang mata ko, Malabo pa 'to nung una kaya nag-adjust pa ako makakita.

"Malaki naman ang kama ko, bat kami nagtapo?" I asked myself while looking at the ceiling of my room. Damn. Kaya naman pala iba feeling ng unan ko. Braso naman niya pala. Maybe he took advantage to me while I was sleeping?

Sigh. Parang ewan Amara ha.

Inalis ko na lang ang braso niyang asa tiyan ko at umupo. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na. And I'm telling you, hindi ako natutuwa sa oras. It's almost six in the morning. Hindi na rin naman ako makakatulog so much better if I'll prepare our breakfast right?

At iyon nga ang ginagawa ko ngayon habang umiinom ng milo. I asked the maid if kung pwedeng ako na lang ang magluluto para sa breakfast naming at magpahinga na lang sila or gumawa ng ibang gawain.

Nilagay ko sa lamesa ang huli kong niluto which is pancakes. In case lang na gusto nila ng pancake. I also cooked fried rice, bacon, hotdog and omelet. Madami ang niluto ko kahit ilang potahe lang yon dahil marami kami.

I'm still wearing my pajamas, merong apron nga lang na nakasuot sa akin. Tinanggal ko 'yon nang makita kong tumatakbo ang pamangkin kong anak ni kuya Cloud papunta rito sa dining. Sinalubong ko siya't binuhat. "Good morning baby." I kissed his cheeks when he giggled. I cute! Gusto ko ganto baby ko soon!

"Come on, let's wake up your uncles." I was told by our baby boy in the house na gising na ang parents niya at nag-aayos lang sa kwarto nila at nauna na siya. "Ate, pabantay ng mga pagkain, manggigising lang po kami."

Buhat ko pa rin siya habang paakyat kami. Nang makita ko sila kuya Cloud at ang asawa niya ay bumaba sa pagkabuhat ko ang anak nila. "Yang anak niyo nakita lang kayo kuya, iniwan na ako." Ngumuso ako kahit nangingiti na. Tinawanan lang ako ni ate Ulysee. "Kiss your Tita Amara, Gustave. Magtatampo 'yan." Napangiti ako, andoon pa rin talaga yung accent niya pag magtatagalog siya kahit na ang tagal niya na rito sa pinas.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon