Secret: Twenty-Eight

524 23 6
                                    

Tinignan ko si Isaac na hinimas na naman ang kanang patilya niya bago tumingin sa gawi ni Kuya Aaron.

"Sinasabi ko sayo, isusumbong ko 'yan sa isa mong kuya." Bulong nito sa akin.

Sige! Magsumbong ka, baka gawin nun kalbuhin ka na, ang hindi nagawa sayo ni kuya aaron kagabi dahil paghilalang sa patilya mo ang ginawa.

"Baliw, akala mo naman kakampihan ka nun. Kay Ate Alex ka magsumbong, maging proud pa sa'yo yun!" I chuckled and continue eating.

Totoo naman. Iba anng takbo ng pag-iissip ni Ate kaysa lay Kuya. Mas open minded si Ate Alex sa mga ganitong bagay.

Inabot ko ang baso ko para uminom habang ang isa ko namang kamay ay tinaas ko para tapik tapikin ang pisngi ni Isaac. Kawawa naman 'to, napag-abutan kagabi ng kapatid ko. Sa susunod mas maaga na kami mag-usap para makabalik din siya ka agad sa sarili niyang kwarto.

Uutakan din naming kayo, Kuya. Anong akala niyo sa amin huh?

Saktong kakatapos lang naming kumain at ang iba ay tumatayo na nang isang maid ang pumasok ng dining room at lumapit kay Tito Osmond na siyang asa kabilang sentro.

"Dumating na po ang mga bisita. Ipinapasok na ang kanilang gamit papunta sa kwarto nila. Asa tanggapan na rin po sila't naghihintay lamang sa inyo." Tango lang ang sinagot ni Tito Osmond bago ito umalis.

Nag si tayuan na ang mga matatanda at may kanya kanyang pinag-uusapan habang kami naman ni Isaac at nakasunod lang sa kanilang maglakad patungong living room. Tumabi ako bigla kay Papa Ales nang may naalala ako.

"Mommy said that you should chain Tita Ericka." Natawa naman siya habang umiiling.

"Baliw pa rin ang mommy mo hanggang ngayon."

Napakunot ang noo ko. "Close ba kayo ni Mommy?" Tanong ko.

"Yeap!" Sagot niya abang nakangiti.

"Alessandro ha. I'm telling you, tatamaan ka sa akin." Banta sa kanya ni Tita Ericka kaya naman umakto siyang zinipped ang bibig niya.

Under!

Nang makarating kami sa living room ay agad akong tumakbo kay ate Alex. Niyakap ko siya ng mahigpit. Minsan lang kami magkakita ni ate mula nang ikasal ako. Nasanay na naman kasi akong kasama sila parati kasi pinabalik nila ako sa bahay nang mag umpisa ang school year noong mag grade 11 ako. Biglaan nga eh.

"Ano, kumusta experience?" Tanong niya sa akin habang humahagikhik.

Timanmpal ko ang braso nito, parang tanga. Mamaya may makaring sa kanya eh.

"Ano ate, mesherep." Halos pabulong ko nang sinabi ang huling salita ko.

"Anong experience? Anong masarap, Collette at Alexandra ha?" Tanong na pasita ng lalaking tumabi sa amin.

"Syempre, yung alam mo na.." Taas baba ang kilay ni Ate habang nanlalaki naman ang mata ni Kuya na nakatingin sa akin. Mapanuri niya akong tignan bago tumingin sa bandang likod ko kung asaan si Isaac.

Nanlaki ang mata ko nang biglang humakbang ng malalaki si Kuya patungo kay Isaac. Ilang saglit pa ay nakapulupot na ang mga braso nito sa leeg ni Isaac at pinagsasabunutan 'to.

"Pusta ako kay Xander!"

"Sige! Sapakin mo din 'yan!"

"Kalbuhin mo yang gago na 'yan!"

"Alexander! Tigilan mo nga 'yan!"

"Kaliwain mo Xander!"

"Sige pa!"

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon