Secret: Eleven

1.5K 37 0
                                    

I message my friends, sila Jacob na tapos na ang exams namin. Nagreply naman sila na asa bahay lang daw nila sila dahil wala silang ginagawa sa school. Dumeretso ako sa Café na malapit sa village namin at minessage sila na doon kami.

"Di natin magagawa yung schedule natin every weekend next week." Napatingin ako kay Rick nang magsalita siya. tumango naman yong dalawa ko pang kasama. "Yeah, nagschedule yung ibang pinsan namin para magsama-sama kami. Kung gusto mo, pwede ka namang sumama. Sa Hacienda lang naman namin 'yon." dugtong ni Jacob.

Schedule namin kada weekend ay pag saturday, Heaven kami pag sunday naman ay chill sa babay nilang apat, movie marathon ganon. Napa-isip naman ako, wala naman kaming gawain para sa school kasi last na yung exam. "Paalam ako sa kanila mommy." sabi ko, nakita ko namang napangiti yung tatlo.

Tango tango silang tumingin sa akin, "Sabihan mo kami pag pinayagan ka. Friday ng gabi tayo aalis para pagdating sa rancho morning, breakfast tapos pahinga na." So whole weekend kami andoon? sana payagan ako, lalo na ni kuya.

Nagkuwentuhan kami at tinanong nila kung kamusta naman daw ang exam ko. Sarap sana sabihing 'ayon, bantay sarado kami ng asawa ko' kaso di ko pa nasasabi sa kanila na meron na ako non. Next time na lang siguro.

"Sama ko mga kaibigan ko bukas sa heaven, ayos lang ba?" Tango lang ang sinagot nila sa akin. siguro marami rin silang ginawa.

7PM nang magsi-uwian na kami, hinatid pa rin nila ako hanggang sa bahay, aalis pag nakapasok na ako. They are so protective. Masaya siguro sila maging kapatid, swerte naman ng kapatid nila pati mga girlfriend nila.

"Tara na kasi AC!" hila ako ni Clarice at Shiela, niyayaya na nila akong sumayaw sa gitna. Nakakahiya namang sumayaw na walang tama, ito kasing dalawang to kanina pa umiinom. Si Cynthia naman umiinom din pero tahimik lang.

Sila Miguel? ayon asa gitna na rin, nakikipagsayawan sa ibang babae. Iniisip ko nga eh, buti na lang isang shot pa lang natetake ko. Baka kasi ako na naman mag-alaga sa mga babaeng to.

Binitawan ako ni Clarice at pumunta siya kay Cynthia na tahimik lang nakaupo, hinahatak niya rin ito. Hindi katulad ko, nagpahila si Cy kaya tumayo na rin ako. Laking ngiti naman ni Shiela na naghihila sa akin.

"Dance like you never did before! Wooooooooh!!" sigaw ni Cynthia. napatawa naman ako ng malakas saka sumabay sa pagtalon talon nila. Napatingin ako sa suot ni Clarice at Shiela. buti na lang kahit anong gawing paglilikot nila ay hindi ito nahuhulog.

They are wearing black tube and shorts nakaboots naman sila. ano pa nga bang aasahan ko rito sa dalawa? si Cynthia naman black sleeveless at pants. Ako naka dress lang, buti nga pumayag yung tatlo eh. Malalim kasi ang neckline nito at sleeveless rin, dark blue. Well.

Napahinto ako sa pagtalon nang may humawak sa braso ko. "Uy, hi Isaac!" Nakangiti kong bati sa kanya, pero seryoso pa rin ito. "hehe?" kunot noo ko siyang tinignan, pupunta pala siya rito? sana di na lang ako nagpadaan kila Clarice, sumabay na lang sana ako sa kanya.

"You're jumping too much, Amara." hinila niya ako sa braso papunta sa may sofa, pwesto ata nila 'to, kabilang banda kasi to at sa kabila naman yung sa amin.

Pinaupo niya ako sa may sofa sakahinawakan ang ang damit ko. Kanina pa siya nakatingin sa dibdib ko. "Masyadong mahaba." pinagdikit niya yung bawat gilid ng sa may parteng dibdib ng damit ko. "Your boobs are big. Hindi ka dapat nagsusuot ng ganito pag sa ganitong lugar." Tinampal ko naman yung kamay niya, mukha naman siyang natauhan at nag-iwas na ng tingin.

"Bastos ka talaga Isaac." inirapan ko siya. Tinawanan niya lang ako saka tumabi sa akin. Akma akong aalis nang hinawakan niya anv kamay ko. "Dito ka na lang muna. wala naman na mga kaibigan mo. " nagkibit balikat na lang ako. Andidito si Isaac, I'm sure na andito rin si Jamie, kuya Kael at Inigo.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon