Warning: R18+
"My potchi one! potchi potchi one!" We sang together while pointing their small fingers on me. Nandito kami ngayon sa baryo kung saan galling sila lola at lolo nakaraan. Ang daming pamilya ang nakatira dito malapit sa sapa. Madaming bata at ang ilan ay kalaro ko ngayon.
I was the number one dahil ako daw ang ate kata pinagbigyan ko sila. This is nice. I never played a ate role before. In my circle of friends, I'm the youngest. Same with the Samson and the Meldin.
I put my two pointing finger in my two cheeks, left and right at pabilog na gumiling. I glanced at Isaac na siyang nakaupo sa nakatumbang puno ng mangga. Inirapan ko siya dahil di mawala sa isip ko ang rasong sinabi niya sa akin.
"Collette! Wait up, baby!" Sigaw ng isang gago sa likod ko na pilit humahabol sa akin.
Tumigil ako dahil napapagod ako't hinarap siya habang asa tuhod ang mga kamay ko.
"Saglit, time freeze." Pinag cross ko pa ang dalawang hintuturo ko. "Pahinga muna." Nang tumango siya ay padabog kaming naupo sa lupa.
"I was just playing with her, Collette." Sabi niya, habang nakatingin sa akin.
"Playing? Hindi ka man lang nahiya, may-asawa ka." I stopped talking. "Nanliligaw ka sakin tapos maglalaro ka ng gano'n? Unang araw pa lang, Isaac ganyan ka na."
Iniwan ko siya doon at pumunta na sa kwarto para magpalit at magdala ng ibang gamit na kakailaganin ko.
"Ate, luwag mo pa binti mo!" Rinig kong sigaw ng isang ng batang lalaki. Nang makalusot siya sab inti ko ay tumakbo kami habang tumatawa.
"Jollibee!" Sigaw ng taya sa isang batang babae.
Tinawanan ko siya dahil siya lagi ang jinajollibee ng taya. Ayaw ata patakbuhin.
Tumakbo ako kasama ang ilan pang bata dahil papunta sa direksyon namin ang taya.
"Takbo! Takb – " Napahawak ako sa dibdib ko nang kumabog ito ng malakas dahil may nabunggo ako at muntikan na mitumba kung hindi niya lang ako nahawakan sa bewang.
"Are you okay?" A man's voice asked me.
Taray ang gwapo ni kuya!
Magtigil ka nga Amara, may asawa ka.
"Miss? Okay ka lang ba?" Tanong niya uli.
"Ah, yesh, I'm okey.." Anong boses 'yan Amara? Magtigil ka!
"Gideon." Pakilala niya sa akin. Magpapakilala na rin sana ako nang may tumawag sa akin.
"Collette!" Nabalik ako sa dati kong ayos, napatayo ako bigla ng tuwid at ngumiti lang sa harapan ko.
Minsan epal talaga si Isaac.
Madalas pala!
Nakalapit ito sa akin at naningkit ang mg mata nito sa lalaking asa harapan ko. "Let's go." Hinatak na ako nito hanggang sa mga batang nakakumpol na ngayon at iniwan na ako. Narinig kong nag-uusap usap sila ng kung ano anong bagay kaya naman nakisabat ako.
Mas gusto ata ni Isaac na makasama ko 'tong mga bata kaysa doon sa lalaki kanina.
Gideon.. Gwapo! Pero mas gwapo si Isaac, gago lang madalas. Katulad kaninang tanghali. Ay peste naalala ko na naman!
"Ano laro ?" Tinuro nila ang batang babae na tingin ko ay nasa siyam na taong gulang pa lang na nakatayo hindi kalayuan mula dito. "Taya po 'yon ate. Kwayet ka lang po.." Bumungisngis ako sa paraan ng pagsabi ng bata.
"Papel na lang ba?"
"Oh sige!" Agad naman silang nag isang linya at sumigaw
"Good afternoon, Mickey Mouse! Our order is things!" Sabay sabay nilang sigaw kaya natawa ako. What is this game? Hindi ako ganoon kapamilyar sa mga nilalaro nila. itinuturo lang ng mga ito ang gagawin sa akin. Pero ngayon ay hindi man lang nila ako sinabihan ano ang gagawin. Hindi ata ako sinali?
BINABASA MO ANG
Every Seconds With You
Teen FictionMELDIN SERIES #1: Amara Collette Meldin Title: Every Seconds With You Status: Complete Date Started: March 18 2019 Date Finished: December 29, 2020 Amara Collette was arranged to a marriage for merging business, well that's what she knows. But what...