Simula

980 204 271
                                    

Monarkiya: Ang Pagbagsak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Monarkiya: Ang Pagbagsak

Ang buhay ni Prinsesa Beatrice sa ilalim ng pamumuno ng kaniyang ama na si Haring Himalaya sa Hilagang kaharian ay punong-puno ng pagmamahalan, karangyaan at kapayapaan.

Malayo sa mundo kung saan may alitan, sakitan at gyera na nagsisilbing dahilan kung bakit may galit at paghihiganti sa mundo. Ito ang magiging dahilan kung bakit ang isang tao'y patuloy na naglalakad at nawawala sa gitna ng madilim na daan. Walang liwanag na siyang maaaring tumulong upang lisanin ang landas na ito.

Pero isang pangyayari sa buhay ni Beatrice ang siyang nagpakita ng tunay na kulay ng mundo. Ang masalimuot na pangyayaring lumaladlad sa harap ng mga mata ni Beatrice ang magbibigay ng duda sa kaniyang mithiin.

Tanging kapayapaan at kaligtasan ng mga mahal sa buhay ni Beatrice ang tanging hiling niya sa mundo. Ngunit paano kung sa gitna ng liwanag na kaniyang tinatahak ay lamunin ito ng kadiliman na siyang magiging dahilan kung paano siya nahiwalay sa tamang landas.

"Ama... Mahal kong ina nasaan kayo?" labis ang aking takot ng makita ni isang tao'y walang nakatayo sa buong kaharian. Ang mga bahay na sira sira at inupos na ng apoy na nanggaling sa alitan ng dalawang kaharian ang siya na lamang makikita sa kapaligiran.

"Ama... mga kapatid ko, nasaan kayo? Pakiusap huwag niyo kong iwan mag isa dito!" umalingawngaw ang aking sigaw ngunit wala pa rin ni isa ang kumikilos sa mga taong nakapalibot sa akin. Naglakas loob akong tumayo kahit na pipilay pilay ang aking paglakad. Labis labis ang pagtagaktak ng aking pawis upang pilitin ang kaliwang paa ko na makisama upang hanapin ang aking pamilya. Naramdaman ko ang dugong dumadaloy mula sa aking noo papunta sa aking pisngi kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina ko pa nais pigilan.

"Ama huwag kayong ganito sa akin. Nangako kang hindi mo ako iiwan. Alam kong nandito ka, pakiusap gusto ko lang mahagkan ang iyong yakap." tuluyan ng sumuko ang aking kaliwang paa ng matalisod ako sa maliit na blokeng nakaharang sa aking daanan. Agad tumakas ang sigaw mula sa aking labi dahil sa sakit na aking naramdaman. Tuloy tuloy ang pag agos ng aking luha sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Tatandaan ko ang bawat pangyayaring ginawa nila sa aming kaharian. Pinapangako ko sa ngalan ng aking ama na ipaghihiganti ko sila.

SIMULA

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon