Kabanata LV. Patawad

40 7 0
                                    

Note: Just want to clarify some changes, si Prinsipe Greg po ang kasama ni Haring Edward sa digmaan. Nagkamali po ako ng sulat. Enjoy reading~

Prinsipe Rafhael

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Rafhael

"Kapatid ko, tuluyan bang matutuloy ang pangmalawakang digmaang ito?"

Liningon ko ang aking kapatid na si Prinsipe Jakob na siyang may pag-aalala sa mukha. Ramdam ko ang kaniyang pangamba sapagkat kahit ako ay hindi rin mapakali tuwing naiisip ang anumang maaaring mangyari sa amin sa gitna ng digmaan.

"Hindi ko masasagot ang iyong katanungan, Jakob. Kung hindi ito maaayos sa pag-uusap ng mga hari ay tiyak na maglulunsad ng malakawang digmaan ang ating kaharian laban sa Himlayanan."

Tumango si Jakob sa akin bago nilamon ng pag-iisip. Hinawakan ko ang kaniyang balikat bago muling sumakay sa aking kabayo.

Nakatigil ang aming hukbo sa kagubatan na siyang malapit sa tulay na magbubukod sa aming kaharian at Gitnang kaharian.

Nagpasiya muna kaming magpahinga upang ibalik ang lakas na aming ginamit kung sakaling hindi mapapakiusapan ang mga Gitnang kaharian na panandaliang ihinto ang anumang balak nito kung hindi ay mapipilitan ang aming hukbo na gamitin ang talim sa pakikipag-usap.

"Maghanda, sa loob ng isang minuto'y muli tayong magpapatuloy sa paglalakbay. Panatilihing matalas ang mga mata at tainga sa anumang pagsugod ng kalaban."

Tumugon ang lahat sa akin bago umakyat sa kanilang mga kabayo. Ang ibang mga kawal ang siyang nagtutulak ng mangonel na aming dala para sa digmaan.

Hindi namin nais na gamitin ito sapagkat pagpapakita ito ng hindi paggalang sa nakakataas na pinuno sa aming bansa ngunit kung magpapatuloy ang baluktot nilang pamumuno sa amin ay tiyak na mas magiging madugo ang digmaan na siyang kahaharapin namin sa hinaharap.

Nag-umpisa muli kaming maglakbay nang makitang nasa kaniya-kaniyang hanay na kami. Magkatabi ang aming kabayo ni Jakob upang mapanatili ko ang kaligtasan ng aking kapatid.

"Prinsipe Rafhael, kung iyong mararapatin ay maaari ko bang itanong kung bakit nanatili si Prinsipe Cain sa kaharian? Hindi ba't nararapat lamang na makisama ito sa atin?"

Mapakla akong napangiti sa narinig. Hindi ko lubos maisip na magtataksil ang aming kapatid na si Prinsipe Gabriel sa kaharian. Sa buong buhay na pananatili nito sa amin ay tanging kabutihang loob at mapakumbabang prinsipe ang ipinakita nito sa amin.

Hindi ko rin lubos maisip ang kalagayan ng sumunod na prinsipe dito na si Prinsipe Greg na siyang sasalo ng lahat ng responsibilidad ng aking ama na si Haring Edward.

"Para saan at kanino ba tayo lumalaban, Jakob?"

Nakita ko ang pag-iisip nito ng kasagutan bago nagsalita, "Sa ating sarili, sa kaharian at para sa ating nasasakupan."

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon