Kabanata XLI. Babalik Ako

73 34 0
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

Naging mailap na naman ang aming samahan ni Kalid. Kumakain kaming lahat ngayon sa hapag at kung hindi ba naman may galit sa akin ang Amang Maykapal ay si Kalid ang siyang itinabi sa akin.

Sabay kaming tumayo upang lumipat ng upuan subalit nang makita ang pagtataka sa mga mata ng aming kasama ay pinili na lamang naming bumalik muli.

Tahimik ang pagsasalu-salo namin. Tila may tensyon na nabubuo sa pagitan namin na agad ding naramdaman ng aming mga kasama.

"Kung hindi ninyo ititigil ang tensiyon na mayroon kayo'y huwag kayong humarap sa hapag. Ang grasiya ang tatanggi sa inyo." Hindi na nakatiis si Prinsipe Narsis kaya't sinuway na kami nito.

Tumayo si Kalid na nakapagpataka sa akin. Halos lahat kami ay nakatingin sa sunod niyang gagawin kaya naman laking gulat ko ng magdikit ang kilay nito habang nakatingin sa akin bago umalis sa kaniyang kinauupuan at lumabas ng kubo.

Isa bang pagkakasala ang makita ang mukha nito? Ang pilat kaya sa mukha nito ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipakita sa iba ang kaniyang mukha?

Napailing na lamang ako sa tinuran nito. "Hindi ko naman binalak na hilahin ang tela sa mukha nito."

Narinig ko ang pagbagsak ng mga kubyertos ng aking mga kasama. Nang tingnan ko ang kanilang mga mukha ay tila hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig. Kahit ang aking kapatid ay nakabuka rin ang bibig at nanlalaki ang mga mata habang nasa ere ang kaniyang kutsara.

"A-Ano ang iyong sinabi, prinsesa?" Si Seya ang unang nakabalik sa reyalidad.

"A-Ano ang wangis ni Emperador, Beatrice? May mali ba sa mukha nito? K-Kulang ba ang kaniyang ngipin kaya niya piniling maglagay ng tela sa bibig?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kudos? Saan naman nanggaling ang isiping iyon?

"Kaya ba ganoon na lamang ang pakikitungo ni Kalid sa iyo? Kung napapaisip ka sa aming reaksiyon ay tama ang iyong naiisip, wala ni isa sa amin ang nakakakita ng mukha ni Kalid."

Hindi ko alam kung ano ang dapat ibigay na reaksyon. Hindi naman malaking balita kung ako lamang ang nakakaalam ngunit hindi ko maintinidihan kung bakit tila magaan ang aking pakiramdam nang malamang ako pa lamang ang nakakita ng itsura nito.

"Sagutin mo ang tanong ko prinsesa," saad ni Kudos na lumipat sa kaninang inuupuan ni Kalid. Inilapit pa nito ang kaniyang katawan at tainga sa akin upang kami lamang ang makarinig.

"Kudos." Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Kudos ng marinig ang tinig ni Kalid sa likod.

Mabilis itong gumalaw at bumalik sa kinauupuan habang parang estatwang hindi na muling kumilos. Hindi man lang namin naramdaman ang pagbalik nito sapagkat buo ang kanilang atensyon sa aking sasabihin.

Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Seya habang nakangising naiiling si Kalil sa nangyari. Nilingon ko ang kinatatayuan ni Kalid na nakasandal sa dingding ng kubo habang nakahalukipkip.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon