Kabanata XVI. Espiya

178 89 71
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

Natapos ang aming talakayan ng madaming katanungan ang naiwan sa isip ng mga binibini. Natutuwa akong nagkakaroon na sila ng interaksyon na siyang magpapatibay ng kanilang samahan. 

"Nabalitaan niyo na ba? Maghahanda na daw ang buong kaharian para sa nalalapit na kasal ni Prinsipe Rafhael." agad nabaling ang aking atensyon sa dalawang serbidora na siyang nag-aayos ng hapag.

"Sayang lamang at naunahan pa ni Prinsipe Rafhael si Prinsipe Charles. Mukhang wala pa ring balak si Binibining Beatrice na makipag-isang dibdib sa ating prinsipe." saad ng mas nakakatandang serbidora. Hindi pa rin nila napapansin ang aking presensya kaya't nakinig na muna ako sa kanilang pinag-uusapan.

"Ano pa bang hahanapin ni Binibining Beatrice sa ating prinsipe? Matipuno, makisig, may paninindigan at higit sa lahat ay may busilak na puso. Kung ako lamang si Binibini ay wala na akong pagdadalawang isip na magpakasal sa prinsipe." saad nito na agad kong ikinailing.

Lumisan ako sa hapag ng walang imik. Hindi maitatanggi ang katotohanan na sinabi ng serbidora ngunit ang pagpapakasal ay hindi basta-basta lamang ang pagdedesisyon. Ito'y isang sakramentong nangangailangan ng matibay na pundasyon na siyang hindi ko pa kayang ibigay sa prinsipe kaya't hindi ko maaitim na ibigay ang aking palasisingang daliri.

'Kung ika'y magpapakasal ay siguraduhin mong mahal mo ang prinsipe at kaya mo itong ipaglaban kahit ang buhay mo pa ang maging kapalit.' Iyon ang sinaad sa akin ng aking ina noong siyang nabubuhay pa kaya't hangga't maaari ay gusto kong mahanap ang aking tunay na pag-ibig.

"Prinsesa Beatrice." lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakangiting sinalubong ko si Prinsipe Rafhael bago marahang yumukod upang magbigay puri. Agad naman niyang kinuha ang aking mga palad at hinalikan ang likod nito.

"Magandang araw, prinsipe. Balita ko'y naghahanda na kayo sa inyong pagpapakasal?" saad ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin bago kami nagsimulang maglakad.

"Tunay ngang kalat na ang balita sa aking pagpapakasal." napakamot siya sa kaniyang ulo dahil sa balitang kaniyang narinig mula sa akin. "Pupunta akong Timog Kaharian mamaya upang dalawin si Prinsesa Froilan. Balita ko'y naghahanda na rin ako ang aking mapapangasawa sa nalalapit naming pag-iisang dibdib." saad nito na siyang aking ikinangiti.

Masarap sigurong magsukat ng isang bestidang pangkasal. Hindi ko naman maitatanggi na gusto ko ring maranasan ang bagay na iyon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang pagiging isang mabuting maybahay ay isa sa mga pangarap ng mga kababaihan. Ang pagkakaroon ng sariling mga supling ang siyang magiging diyamante na kanilang iingatan at pananatilihing importante sa kaniyang buhay.

"Mag-iingat ka prinsipe. Ika'y aking sasalubingin na lamang sa iyong pagbabalik makaraan ang ilang linggo." saad ko bago magpaalam sa kaniya.

Dumaan ang maghapon na wala akong ibamg ginawa kung hindi ang mag-ikot kaya't pumunta na lamang ako sa aking kwarto upang magpahinga. Napangiti ako ng makita ang kulay ng  kalangitan sa aking balkonahe.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon