Kabanata XVIII. Pagtakpan

152 80 58
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

"Ngayong araw ay makikilala na ninyo ang mga taong makakatulong sa inyo mag-ensayo." saad ko at napangiti nang makita ang kagalakan sa mukha ng mga binibini.

Kung ako lamang ang magdedesisyon ay kagustuhan kong mabigyan sila ng leksyon isa-isa ngunit hindi kakayanin ng oras at katawan ko. Kaya naman nag-imbita ako mula sa kaharian ng mga taong may bukal na pusong magturo sa mga binibini.

"Ako nga pala si Prinsipe Charles. Ako ang ika-limang anak ni Haring Edward at hahasain ko kayo sa paggamit ng antla. Hindi lamang iisang armas ang maaari niyong matutunan sa kaharian kagaya ko ngunit magpopokus muna kayo ngayon sa napili ninyong kagamitan." agad na pumunta kay Prinsipe Charles ang tatlong binibini na siyang pumili ng armas na antla.

"Magandang umaga sa inyong lahat, ako si Prinsipe Jakob at makakasama niyo ako sa pag-eensayo ng tamang paggamit ng pana. Ikinagagalak ko kayong makilala." tila hindi ako makapaniwala ng makitang napakaayos ng pagpapakilala ng bunsong prinsipe.

Nang lumapit sa tabi niya ang nag-iisang pumili ng pana at palaso na si Payra ay agad itong lumayo ng kaunting hakbang. Humigpit rin ang hawak nito sa kaniyang kagamitan na siyang ikinangiti ko. Napansin rin ni Prinsipe Charles ang pag-iiba ng ugali ni Prinsipe Jakob kaya naman parehas na lamang kaming nagpatay-malisya sa nakita.

"Ako ay nalulugod na makasama kayo sa pagsasanay mga binibini. Narito ako upang magbigay kaalaman sa kagamitang tinatawag na speri o sibat. Marami kayong matututunan sa akin kaya't humayo kayo't magsilapit sa akin." napuno ng tawanan ang silid sa pagpapakilala ni Prinsipe Rafhael. Lumapit ang apat na binibini sa prinsipe na agad nitong binigyan ng nakakasilaw na ngiti.

Hindi pa rin ako ako makapaniwala na ikakasal na siya ilang araw mula ngayon kaya't sigurado akong magiging mahirap ang pakikipagkita sa prinsipe pagkatapos nitong ikasal.

"Ako naman ang bahala maghayag ng aking buong kaalaman sa paggamit ng katar. Ito'y espesyal sapagkat galing pa ito sa Timog-Silangang kaharian kaya't ipakita natin ang ating kagalakan sa pamamagitan ng pag-eensayong mabuti." saad ni Prinsipe Cain na siyang nagboluntaryo mismo sumama sa amin. Lumapit ang dalawa pang binibini sa kaniya na siyang tinanggap ng prinsipe.

Siya lamang ang nagkaroon ng interes sa paggamit ng katar sa lahat ng prinsipe kaya't siya na mismo ang nagboluntaryo sa pagtuturo. Matagal na din daw siyang hindi nakakahawak nito maliban sa kaniyang espada kaya't ibinigay ko ang aking basbas na ipasakamay sa prinsipe ang pagtuturo nito.

"At ako naman ang mamamahala sa pagtuturo ng paggamit ng espada. Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko upang maturuan kayo." maikling saad ko bago tinanguan ang dalawa pang natitirang binibini na may hawak na espada.

"Kinagagalak ka naming makasama ni Keyla, Binibining Beatrice." saad ni Plomera sa akin na ikinatango ni Keyla.

"Magsimula na ang lahat sa pag-eensayo." saad ko na siyang hudyat ng pagsisimula.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon