Kabanata LII. Prinsesa

49 10 0
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

"Narito na tayo sa kaharian ng Hilaga."

Malapit nang lumubog ang araw nang makarating kami sa Hilaga.

Walang buhay akong nagpatinaod sa pagbaba habang inaalalayan ni Kalid. Hindi ko magawang tingnan ang bawat sulok ng kahariang nakasanayan ko noon sapagkat hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang pagkamatay ng aking kapatid.

'Nangako ka sa akin, Prinsipe Narsis. Alam kong tutupadin mo iyon.'

Nakita ko ang isang malaking barko na siyang pinagkakaguluhan hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.

Maraming tao ang siyang nakakalat sa gitna ng daan habang may mga hawak na mga kagamitan. Karamihan sa kanilang lahat ay mga nakatakip ng mga balabal habang ang kalahati ay puro mga kawal na siyang maaaring magpakita ng kanilang mga pilat sa katawan at mukha.

Nang magkaroon ako ng lakas ng loob na libutin ang aking paningin ay agad na dumaloy ang bawat alaala na mayroon ako sa Hilaga. Ang bawat kabahayan na tila pinagdikit-dikit na lamang muli simula nang bumagsak ang kaharian. Ang mga puno at halaman na siyang nalalanta na at higit sa lahat ay ang palasyo sa aming harapan kung saan kami namuhay noon.

Ngunit ang mas pumukaw ng aking atensyon ay ang palasyo na malayo sa dating hawig nito. Hindi gaya ng mga makikinita sa kapaligiran ay ito lamang ang maayos ang pagkakayari sa lahat. Halos puros ginto ang masisilayan hindi lamang sa loob na siyang tanaw kahit na malayo ang aking kinatatayuan kundi pati na rin ang ibang bahagi ng tarangkahan.

Hindi kami bumaba sa tapat ng palasyo subalit ay sa pinakagitna ng lupain ng Gitnang bahagi ng Hilaga, kung saan halos ang lahat ng mga mata ng tao ay nasa akin.

Nang makita ng lahat ang pagdating ni Prinsipe Gabriel ay agad na lumuhod ang mga tao sa aming paligid. Humawi ang daan patungo sa tarangkahan kaya't agad na sumunod si Kalid, na siyang kilalang Emperador, sa dating prinsipe ng Timog-Silangan.

Hindi ko marinig halos ang sinasambit ng mga tao ngunit sa aking palagay ay puro pagtataka ang kanilang nasa isip.

"Siya na ba ang sinasabing magiging prinsesa ng kaharian?"

"Kalid, Kalid..."

"Hindi ba't kawangis niya ang dating prinsesa ng Hilaga?"

"Anak ko,"

"Matagal ng patay ang buong mamamayan at mga dugong bughaw ng Hilaga kaya't paanong mabubuhay ang bunsong prinsesa ng Hilaga?"

Nais kong bigyang atensyon ang sinasabi ng mga mamamayan ngunit patuloy na bumabalik ang aking isipan sa kapatid kong si Narsis.

Gusto kong isipin na parte lamang ito ng plano niya ngunit kung iisipin ay hinding-hindi makakatakas ang aking kapatid kung halos sampung kawal ang siyang nakapalibot sa kaniya?

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon