Prinsesa Beatrice
Nagdaan ang isang linggo na walang problema ang naulit sa kaharian. Tahimik ang paligid ngunit mas naging alerto ang buong kawal at mga prinsipe sa kaligtasan ng amang hari kaya't maraming mga kawal ang umiikot at nagmamasid-masid sa buong kaharian.
"Magandang umaga mga binibini." aking bata sa mga kababaihang naghihintay na sa aking pagdating. Agad silang tumayo at nagbigay-pugay sa akin sa pamamagitan ng pagyuko. Agad ko namang binalik ang kanilang bati bago nag-umpisa ang aming talakayan.
"Magandang umaga." nawala ang atensyon ng mga binibini sa aking sinasabi ng makita si Prinsipe Charles at Prinsipe Rafhael sa pintuan ng silid. Narinig ko pa ang mahinang sigaw ni Keyla habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Plomera. Hindi naman maiwasang mapailing ni Plomera bago naunang tumayo.
"Halika't magbigay pugay sa dalawang prinsipe." agad tumalima ang mga binibini sa pamumuno ni Plomera. Sabay-sabay silang lumuhod habang nakayuko ang mga ulo kaya't inanyayahan ko na ang dalawang prinsipe na pumasok sa silid.
"Magandang umaga mga binibini. Napakaaliwalas ng inyong mga mukha na siyang nagpapaganda sa inyong umaga." hindi ko mapigilang mapailing dahil na mabubulaklak na saad ni Prinsipe Rafhael. Kagagaling lamang nito sa Timog Kaharian at balita ko'y kararating lamang nito kaninang madaling araw.
"Narito kami sa paanyaya ng inyong guro upang magbigay ng kaunting kaalaman sa inyo." saad ni Prinsipe Charles na nagbigay buhay sa mga binibini. Naalala kong gusto nilang makita ang paraan ng pakikipaglaban ng prinsipe kaya't hindi na ako nagdalawang isip na imbitahan ito. Hindi ko nga lamang inaasahan ang paglitaw ni Prinsipe Rafhael ngunit alam kong makakatulong ito sa aming pagsasanay.
"Lilipat tayo ng silid kung saan mas matututunan ninyo ang paggamit ng mga armas. Hindi kayo maaaring pumunta sa laban ng walang bitbit sa kadahilanang ang kamatayan ang siyang haharap sa inyo." saad ko bago sila inanyayahan na umalis sa aming kinalalagyan.
Sa kanang bahagi ng kaharian makikita ang silid ng mga armas na maaaring gamitin kapag may paglusob. Dito rin sa silid na ito nag-eensayo ang mga prinsipe at mga kawal upang mas mapatibay nila ang kanilang pakikipaglaban.
"Handa na ba kayong makita ang pagtutunggali ni Prinsipe Charles at Binibining Beatrice?" saad ni Prinsipe Rafhael. Hindi ko inaasahan ang kaniyang mutawi kaya't ng makita ko ang nag-aabang na mga mata ng binibini ay hindi ko na natanggihan ang mga ito.
Mabuti na lamang at may mga damit na hindi kahabaan ang nakatago sa silid na ito kaya't nagpalit na muna ako bago humarap sa mga binibini at prinsipe. Rinig ko pa ang nakakalokong pagngisi ni Prinsipe Charles na hudyat ng kaniyang pagiging handa sa araw na ito.
Pumwesto kami sa gitna ng silid hindi kalayuan sa kinatatayuan ng mga binibini. Sa gitna namin ay si Prinsipe Rafhael upang magbigay hudyat sa pagsisimula ng aming ensayo. Nang bumaba ang kamay nito ay agad naming paglayo sa isa't isa. Sumama si Prinsipe Rafhael sa mga binibini kaya't mas naging malawak ang aming kapaligiran.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...