Prinsesa Beatrice
Matapos ang pag aanunsiyo ng mahal na hari patungkol sa magaganap na pag iisang dibdib nina Prinsipe Rafhael at Prinsesa Froilan ay tinapos na agad ng dalawang hari ang pag uusap upang mabigyan ng pagkakataon ang dalawang mag iisang dibdib na makapag usap. Kami namang mga nakidalo ay nagpasiyang magkaniya kaniya kaya't inanyayahan na lamang ako ni Prinsipe Charles na pumunta sa isa sa mga magagandang tanawin sa loob ng kaharian.
Isang hardin ang sumalubong paglabas namin sa pintuan patungong likod ng kaharian. Punong puno ito ng bulaklak at mga damo na sadyang nagpaganda sa likod sa tanawin. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa nagkalat na mga puno, nagtataasan ito kaya't hindi mainit at masakit sa balat ang sinag ng araw na tumatama direkta sa amin.
Napangiti ako nang makita ang mga batang prinsipe at prinsesa na naglalaro sa ilalim ng isang malaking puno. Sinasabi ng mga matatandang mahiwaga daw ang punong iyon dahil sa may nakatirang magandang tagapagbantay. Ito lang kasi ang punong natira noong unang pagbagsak ng kaharian sa pamamahala ni Haring Edward VII. Sinasabing kung sino man ang dalawang tunay na nag iibigang nakatayo sa ilalim nito kapag may dumaang bulalakaw ay siyang magkakatuluyan.
"Sa tingin mo totoo ang sinasabi nilang kwento tungkol sa punong yan?" tumingin ako kay Prince Charles ng makitang nakatingala din ito habang nakasulyap sa malaking puno. Lahat ng tao sa kaharian ay alam ang alamat tungkol sa mahiwagang puno kaya naman tuwing ika-tatlong araw sa buwan ng Agosto'y dinarayo ang punong ito upang intayin ang mga bulalakaw na dumarating sa gabing iyon. Sa pamamagitan nito'y maaaring basbasan ng tagapangalaga ng puno ang inyong pagmamahalan.
"Siguro? Wala namang masama kung maniniwala ka hindi ba?" saad ko matapos magkibit balikat. Tumango naman siya bago humarap sa'kin.
"Paano naman kung hindi sila nagkatuluyan? Masasabi mo bang hindi totoo ang tagapangalaga ng puno?" may ngising tanong niya sa'kin. Mahilig magtanong ang prinsipeng ito kaya naman palaging nauuwi sa debate ang aming usapan. Katulad na lang ngayon, alam naman niyang depende sa tao kung maniniwala sila sa alamat ngunit nag uumpisa na naman siyang makipagtalo.
Humarap ako sa kaniya bago sinagot ang katanungan nito. "Hindi mo ba binasa ng maigi ang kwento, prinsipe?" nang aasar kong tanong sa kaniya.
"Tanging ang nagmamahalan lamang ng tunay ang bibigyan ng basbas ng tagapangalaga kaya hindi magiging possible ang gusto mong iparating." tumango naman siya at nagkibit balikat sa aking sinaad kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Hindi ka ba talaga papayag sa imbitasyon ko?" nagbuntong hininga ako dahil sa napiling pagdiskusyunan ng prinsipe. Hindi ko mapigilang mapayuko dahil na rin sa paulit ulit na namin itong napag usapan.
"Alam kong hindi ka komportable ngunit alam mong magkakaroon ng problema sa kaharian kapag tumanggi ka sa gusto ng amang hari." saad niya na naiintindihan ko naman. Matagal ko nang pinag iisipan ang bagay na ito ngunit sadyang nauuwi lamang ako sa iisang sagot.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...