Kabanata XV. Pitong Kaharian

218 107 92
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang salubungin ang mga binibini na siyang aking tuturuan sa araw na ito. Ngayon ang kanilang unang araw sa pagsasanay kaya't alam kong gustong gusto na nilang may matutunan mula sa akin.

"Prinsesa Beatrice." sinalubong ako ni Maestro Marco ng lumabas ako sa aking silid kaya't nagbigay pugay ako sa kaniya. Ganoon din naman siya na hinalikan ang aking likod palad.

"Nais ko lamang kamustahin ang mga binibining iyong sinasanay. Nagagalak akong ikaw ang siyang namumuno sa kanila sa kadahilanang alam kong marami silang matututunan sa iyo." saad niya na napangiti sa akin.

"Hindi naman sa ganoon Maestro Marco. Masaya rin akong mamuno sa kanila ngunit wala pa ring tatapat sa iyo pagdating sa pamumuno." saad ko na nagpatawa sa aming dalawa.

Hindi lamang pamamagitan sa dalawang ministro ang siyang trabaho ni Maestro Marco. Siya ang namumuno sa pagtuturo ng pilosipiya at mga taktika sa mga sundalong nagsasanay kaya't kilala si Maestro sa buong kaharian. Mapagkumbaba at masiyahin ang siyang katangiang meron si Maestro kaya't hindi ako nagkamaling lapitan siya at magpaturo ng lahat ng kaniyang nalalaman.

"Halika Maestro, bisitahin mo ang mga binibining aking hawak. Matutuwa sila kapag nakita nila ang isang katulad mo." saad ko na siyang ikinagalak ni Maestro kaya't sabay kaming naglakad papuntang silid. Naroon na lahat ng binibini ng kami'y pumasok kaya't nagbigay pugay muna ang lahat sa amin gayundin kaming dalawa ni Maestro.

"Mga binibini, siya ang kilalang si Maestro Marco na kagaya ko ring namumuno sa isang pagsasanay, siya ang nagturo sa akin noon sa larangan ng pilosopiya at taktika kaya't nagagalak akong ipakilala siya sa inyo. Gusto lamang niyang makilala ang inyong mga mukha kaya't halikayo, magpakilala kayo kay Maestro." saad ko na sinunod naman ng mga binibini.

Nag usap usap pa kami saglit ng magpasiya si Maestro na umalis na sa kadahilanang oras na rin niyang magturo sa mga sundalong bagong dating.

"Hindi ko inaasahang makakausap ko si Maestro Marco sa pagsasanay na ito. Grabe ikwekwento ko ito sa aking ama at ina kapag nakauwi na ako." batid ni Binibining Maya na siyang nagpatawa sa akin.

"Grabe ang kisig pa rin niya kahit may katandaan na. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang pinuno ng lahat ng tagapagturo ng palasyo. Sa pananalita pa lamang niya'y karespe-respeto na." saad ni binibining Helena na siyang sinang-ayunan ng lahat.

"Gusto kong makita ang mga prinsipe at makita kung paano sila lumaban. Pwede na siguro akong malagutan ng hininga kung sakaling makita ko iyon." nagsitawanan ang lahat ng binibini sa sinaad ni binibining Keyla. Kaniya kaniyang hinaing pa ang siyang aking narinig kaya't matapos nito'y nag umpisa na ang aming talakayan.

"May isa ba sa inyo ang narinig na ang pinanggalingan ng ating kaharian?" saad ko sa kanila.

Bumakas ang mangha sa kanilang mga mukha dahil sa nalaman. Maraming mga alamat ang siyang nagsimula noon patungkol sa pinanggalingan ng kaharian ngunit may isang libro ang siyang itinatago na noon pa ng mga ninuno nila Haring Edward IX na may patunay na totoo ang nakasaad sa bawat pahina nito.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon