Prinsesa Beatrice
Dahan-dahan kong imunilat ang aking mga mata. Tila hindi pa sanay ang mga ito sa dilim kaya't hinintay kong umayos muna ang aking paningin bago pinagmasdan kung nasaan ako.
Isang silid kung saan walang kagamitan ang aking kinalalagyan. Tanging ang kadena sa aking kamay at kamang hinihigaan ko lamang ang laman ng silid kaya't hindi na ako nag-abala pang humanap ng gamit na makakatulong sa akin. Walang bintanang makikita dito kaya't hinahabol ko ang aking paghinga. Walang sinag na makikita sa singit ng pinto kaya't napagtanto kong may posibilidad na nasa ilalim kami ng isang kaharian o kaya naman ay kanlungan ng mga dumakip sa akin.
Bumukas ang pinto kaya't umupo ako ng maayos sa kama. Nakasuot pa rin ito ng balabal kaya't hindi ko mawari kung ano ang kaniyang itsura sa ilalim nito. Umupo siya sa paanan ng kamang kinauupuan ko bago niya ibinaba ang balabal.
"Magandang gabi, Prinsesa Beatrice." Mapagbiro niyang bati sa akin. Lumapit siya sa aking mukha kaya't nakilala ko ito sa pamamagitan ng marka niya sa mukha kahit na madilim ang silid. Siya ang pinuno ng mga sumugod sa kaharian. Paanong narito siya? May nangyari bang masama kay Prinsipe Charles?
Nanatiling malapit ang kaniyang mukha sa akin bago hinagkan at iniipit ang ilang takas na buhok sa aking tainga. Iwiniksi ko naman ang kaniyang daliri kaya't tumawa ito bago sapilitang iniharap ang aking mukha sa harap ng mukha niya.
"Maayos kitang binati prinsesa kaya't nararapat lamang na ibalik mo ito ng maayos." Hinaplos ng likod-palad niya ang aking mukha pababa sa aking dibdib kaya't mabilis kong ginalaw ang aking mga paa bago pa makarating ang daliri niya sa maselang bahagi ng aking katawan.
"Huwag mo akong hawakan." Mariin kong saad sa kaniyang pagkatapos ay nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Ramdam ko ang pagdugo ng kaliwang labi ko, tila namanhid na ito mula sa kaniyang ginawa.
"Walang magliligtas sa iyo dito kaya't huwag kang matapang. Wala ka sa kaharian niyo kaya't kahit anong gawin mo... hindi ka makaalis dito." saad niya sa akin bago tumayo sa kama.
Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko na parang may hinihintay. Tahimik ang buong kapaligiran kaya't sinubukan kong pakiramdaman kung may maririnig akong kahit anong tunog mula sa labas ng silid ngunit tila tama ang sinambit ng lalaking nasa aking harap. Walang makakakita sa amin sapagkat ramdam kong napakalalim ng kanlungan na ito. Ni isang tunog mula sa labas ay wala, ramdam ko na rin ang pagbilis ng aking paghinga.
Ngumisi siya ng mapansin ang kalagayan ko. Hindi ko alam kung bakit tila walang epekto sa kaniya ang silid na ito. Nararamdaman ko na ang pagkahilo kaya't unti-unti na namang bumibigat ang talukap ng aking mata. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang pagtalikod nito papalayo sa kinatatayuan ko.
"T-Tulong... pakiusap." Huling sambit ko bago nagdilim ang aking paningin.
MULI na naman akong nagising sa silid na hindi pamilyar sa akin. Hindi katulad kanina ay may maliit na lampara nang nakalagay sa tabi ng silid. May pagkain at inumin rin sa sahig kaya't dali-dali akong bumaba sa kama upang maabot ang pagkain. Hindi na rin nakapulupot ang kadena sa aking pulsuhan kaya't hinagkan ko na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Fiction Historique[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...