Prinsipe Charles
"Bilisan ninyo ang paglikas sapagkat paparating na ang mga kalaban. Ihanda ang sarili sa panganib na paparating."
Narito ako sa isang lugar sa gitnang bahagi kung saan nagkakagulo ang mga tao ng Kanluranin sa paglikas. Hindi lamang kami ang naging alerto sa galaw ng mga kalaban kung hindi pati na rin ang mga mamamayan ng Himlayanan.
Ang ipinagtataka ko ay ang mga damit nilang halos mga mata na lamang ang nakikita. Paano nila masasabing isang Kanluranin ang isang tao kung halos wala ng nakikita sa mga nakatira dito?
"Panatilihin ang mga gamit na mapapakinabangan ni ama. Ikatutuwa nito ang mga gintong nakuha natin mula sa mga hangal na soro."
Ang soro ang simbolismo ng Timog-Kanluran kaya't agad na nabaling ang tingin ko sa isang karwahe na pilit itinutulak ng dalawang kabayo bago bubuhatin ng sampung katao upang ilipat sa isang malaking barko.
"Bilisan ninyo ang pagkilos upang hindi masayang ang oras na ibinigay ni ama."
Nagkakagulo ang lahat habang nakatago ako sa isang marikit na puwang ng dalawang kabayahan. Hinihintay ko lamang ang tamang pagkakataon na makaalis sapagkat mahahalata ang aking kasuotan na naiiba sa karamihan.
"Hindi ko na kaya, pakiusap iligtas ninyo ako. Ibalik niyo sa akin ang anak ko. Pakiusap, parang awa niyo na, ibalik mo sa akin ang anak ko."
Dumako ang aking tingin sa isang lalaking nakaluhod sa harap ng isang kawal na nakasakay sa kabayo. Siya ang sumisigaw kanina pa upang magbigay ng utos sa mga mamamayan na kumilos ng mabilis.
"Kung gusto mong makita ang anak mong muli ay susunod ka sa ipinag-uutos ko."
Gamit ang latigo ay agad niyang pinalo ang kaniyang armas sa kaawa-awang lalaki. Pansin ko ang hindi maayos nitong paglakad na sa tingin ko ay dahil sa kakulangan ng pagkain at tubig. Lubha na rin ang putla ng mga mukha nitong bumalik sa pagbubuhat ng mga kahon.
"Pakiusap,"
Patuloy pa rin ang pagbulong nito kaya't hindi niya napansin ang aking presensya. Marahas kong hinila ang kaniyang mga braso nang makitang hindi nakatingin sa direksyon nito ang lalaking tagapag-utos.
"Hmm, parang araw mo na, huwag mo akong sasaktang. Walang makakasama ang aking anak. Pakiusap, gagawin ko ang lahat huwag mo lamang ako saktan."
Nanginginig sa takot ang lalaking ito sa aking harapan nang takpan ko ang kaniyang mga bibig na agad ko ding binitawan habang nakadikit ang aking hintuturo sa aking labi upang patahimikin ito.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...