Prinsipe Gabriel
"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Gabriel?" Lumuhod ako sa harap ni ama bago ibinigay ang ulat na nanggaling sa Gitnang Bahagi.
"Ayon sa ulat na nanggaling sa Timog ay hindi na kakayanin ng Timog-Kanluran ang pwersa ng kanilang kalaban. Sa lalong madaling panahon ay kinakailangan na nating kumilos upang sila'y matulungan ngunit,"
Tumingin sa akin si ama ng marinig ang aking pagtigil. Walang mababakas na emosyon sa mga mata nito kaya naman pinili ko na lamang na ipagpatuloy ang aking sinasabi. Kailangan kong panatilihin ang pag-iingat sa aking mga kilos.
"Ngunit sa aking palagay ay kinakailangan nating magbigay ng higit pang sapat na pwersang militar upang masugpo ang di kilalang samahang ito. Kung mangayayari iyon ay nasisiguro ko ang malaking pasasalamat ng Timog-Kanluran sa ating kaharian."
Natapos ko ang aking ulat ngunit tahimik pa rin si ama. Ito ang isa sa mga kinakatakutan ko sa kaniya. Hindi lingid sa aking kaalaman ang kabaitan nito sa lahat ngunit tuwing oras ng kalamidad at alam nitong nasa kapahamakan ang kaniyang kaharian ay lumalabas ang pagiging magiting nitong hari.
Sumipil sa aking mga labi ang tagong ngiti ng makitang nagbuntong hininga ito at nagpahalumbaba sa lamesa. Hinintay ko ang sunod na utos nito ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang balita.
"Gabriel, gusto kong sumama ka sa mga kawal na makikidigma sa Timog-Kanluran. Siguraduhin mo ang pagkapanalo ng ating kaharian. Inaasahan ko ang iyong ulat matapos ang iyong pagbabalik."
Ito ang naging huli naming pag-uusap bago ko nakita ang aking sarili na naghahanda para sa digmaan kasama ng mga kawal. Nakita ko pa ang tingin ng aking kapatid na si Prinsipe Charles na alam ko sa aking sarili na nais sumama sa aking pakikidigma.
"Mag-iingat kayong dalawa ni Prinsipe Greg. Manalangin kayo sa Ama na sana'y magtagumpay kayo sa laban." Niyakap kaming dalawa ni ina bago kami tumayo sa harap ni ama.
"Aalis kami bilang isang kawal ng Timog-Silangan at babalik bilang isang magiting na kawal ng aming kaharian." Lumuhod kaming dalawa sa harap ni ama bago nito inilabas ang kaniyang espada.
Ipinatong nito ang talim sa aming ulo bago nakapikit na umusal ng dasal. Ito ang nakasanayan ng lahat ng prinsipe bago makilahok sa anumang digmaan upang mapanatili ang kaligtasan ng aming lahi.
Sumakay ako sa aking kabayo bago tinitigan ang nasa ilang daang kawal na aming kasama. Nakahilera ang mga ito habang hawak ang kanilang mga armas kaya naman nang makitang maayos na ang lahat ay nagbigay ako ng huling bilin sa mga ito.
"Ang pakikipagdigmaan ay hindi isang biro, kung hindi ninyo kayang ibuwis ang inyong buhay para sa kaharian ay inuutusan ko kayong manatili sa loob ng tarangkahang ito. Sa oras na ihakbang ninyo ang inyong mga paa ay ito na ang hudyat na nakalubog na ang kalahati nito sa lupa. Ang isag magiting na kawal ay susunod sa prinsipyo ng ating kaharian,"
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...