Kabanta XXXIII. Digmaan

80 39 0
                                    

Prinsipe Narsis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Narsis

Narito ang lahat ng malalapit na pamilya at kakilala ni Isabel sa malaking silid. Ngayon isinasagawa ang taunang pagdadasal sa pagkawala ng isang tao, gaya ng aking kapatid, upang malaman ng kaluluwa nito na mayroon pa ring nagmamalasakit dito kahit na nasa kabilang buhay na ang kanilang kaluluwa.

Isinagawa ang pagluhod at magkasamang pagdaplis ng dalawang palad bago magmutawi ng panalangin para sa aking kapatid. Natapos ang lahat sa pagbibigay ng dasal kaya naman nagpasiya na ang mga ito na lisanin ang silid at bumalik na sa kani-kanilang gawain.

Naiwan si ama, ina at Beatrice sa harap ng silid kung saan naroon ang mga gamit ni Isabel. May katabi itong mga gamit na hindi pamilyar sa aking paningin kaya naman nilapitan ko si ama.

"Kanino ang mga ito, ama?" Kinuha ni ama ang isang balabal kung saan may disenyo ito ng isang puting ibon at may nakaukit ritong pangalan na hindi na nababasa sapagkat napilas na ang kaunting parte nito. Tanging ang letrang H sa unahan na lamang ang makikita.

"Ito ang balabal na paborito ng aking kapatid." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay ama dahil sa tinuran niya.

Hindi ko kailan man nakilala ang pamilya ni ama sapagkat ayon dito'y namatay ang mga ito dahil sa isang digmaan. Tanging pamilya ni ina lamang ang naabutan ko noon ngunit agad ding pumanaw dahil sa katandaan.

"Sabay kaming isinilang ni ina noon habang nasa tabi niya si ama. Masaya ang mga ito sapagkat naging maayos daw ang aming buhay nang kami'y isinilang noon. Naging madalas ang biyaya na natanggap nila sapagkat sinasabing naghihikayat daw ng swerte ang kambal."

Naupo kami habang patuloy na nakikinig sa kwento ni ama. Lumapit na rin sa amin ang lima pa naming mga kapatid kaya naman agad na umupo si Beatrice sa aking kandugan. Hinaplos ko ang kaniyang mga buhok habang patuloy na nakikinig kay ama.

"Tahimik lamang siya hindi katulad ko na masiyahin at laging kausap ng mga tao. Hindi naman ito naging suwail kay ama at ina noon kaya hindi naging problema sa kanila ang ugali nito. Nakapangasawa siya ng isang prinsesa mula sa Silangan ngunit nang mamatay ang aking kapatid ay nawala na lamang ito ng parang bula habang may dinadalang sanggol sa sinapupunan."

Nagpatuloy ang kwento ni ama tungkol sa kaniyang kapatid hanggang sa ito'y natapos. Nang makalabas kami ng silid ay agad kong naalala na hindi ko pala naitanong kung ano ang ngalan ng kaniyang kambal. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad nang makita ko si Manuel na nakasandal sa pasilyo hindi kalayuan sa akin.

"Ano ang pinapangamba mo, Narsis?" Hindi ko inaasahan ang tanong na nanggaling sa kaniya. Hindi maipagkakailangan magkaibigan nga kami mula noon. Hindi nakalagpas sa kaniya ang aking isipin patungkol kay Gabriel kaya naman inaya ko itong kausapin sa hindi mataong lugar.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon