Prinsesa Beatrice
Makalipas ang dalawang araw, ngayon ang araw na siyang pinakahihintay naming lahat. Nagpasiya kaming manahimik na lamang muli patungkol sa espiyang namatay noong isang araw. Wala ni isa sa mga mamamayan ang siyang nakapansin sa katawan na itinapon sa ilog kaya't naghahanda na ang lahat para sa sunod na plano.
"Prinsesa, hayaan mong ako na ang maghete sa kabayong iyong gagamitin. Wala na namang klase pa si Prinsipe Jakob kaya't wala na akong gagawin." ani ng sundalong napakapamilyar sa aking mata.
Nilibot ko ang aking silid kinahapunan kung kailan ko siya nakita. Tiyak ngang may sulat na napunta sa loob na siyang maaaring dinala ng peste sa aking silid. Isang liham para sa kaniyang ama na nagsasabing maayos lamang ang kalagayan niya rito sa aming palasyo. Walang kahina-hinala sa kaniyang sulat ngunit hindi pa rin mapakali ang aking pakiramdam.
"Hindi na kailangan pa ginoo. May sundalo ng naghihintay sa akin sa karwahe." saad ko bago tuluyan siyang nilisan na naiwang nakatayo sa harap ng palasyo.
"Tayo na Prinsipe Cain, may isang kahina-hinalang kawal ang siyang aking napapansin. Dumaan muna tayo sa isang bahay ng mga binibini kung sakaling sumunod siya sa atin." saad ko sa prinsipe na siyang nagpapanggap bilang isang sundalo para makasigurong wala kaming kasamang traydor.
"Masama rin ang kutob ni Prinsipe Charles sa kawal na iyan. Nakita niyang palagi ka nitong sinusundan kahapon kaya't hindi siya umalis sa iyong tabi ng matapos ang iyong pagtuturo sa mga binibini." tukoy niya sa lalaking nakatayo pa rin sa tarangkahan ng palasyo.
"Halika na. Sa tingin ko'y wala na siya. Hindi tayo makakasiguro kung kumuha siya ng kabayo kaya't pumunta muna tayo sa bahay ng isang aking kaibigan." saad ko bago kami nagsimulang maglakabay.
Maayos ang kalagayan ng buong kaharian. Nababawasan na ang krimeng nangyayari sa Kanlurang bahagi kaya't wala ng pangamba ang mga tao at dayuhan sa pagpunta doon. Umuulad ng umuunlad ang aming kaharian kaya't maraming dumadalo sa kaharian upang makausap si Haring Edward IX at makipagkaibigan sa aming hari.
Malugod namang tinatanggap ito ng amang hari ngunit kailan ma'y hindi siya nakipagsaling dugo na isang patunay ng matatag na pagkakaibigan. Ito'y ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng dugo galing sa daliri ng dalawang hari bago ipatak sa dalawang baso. Lalagyan nila ito ng tubig at iinumin tanda ng kanilang walang hanggang pakikipagkaibigan at si Haring Maldua III lamang ang siyang nakahati ng aming hari sa seremonyas na ito.
"Narito na tayo prinsesa. Dito na lamang ako sa kabayo upang masiguro na walang makakahalata sa aking pagpapanggap. Maaari mong kausapin ang pamilya ng binibini gaano man katagal ang iyong nais." bumaba ako matapos tumango kay Prinsipe Cain. Pinapasok ako ng kapatid ni Plomera bago ko ibinigay sa kaniya ang sulat. Nakipagkwentuhan lamang ako sa kanila saglit bago ako nagpasiyang umalis.
"Tayo na prinsesa. Naramdaman kong may nakamasid sa atin kanina ngunit umalis na ito kaya't nasisiguro kong wala ng makakasunod pa sa atin." nagagalak ako sa balitang kaniyang isinambit kaya't dali dali kaming pumasok sa isang liblib na lugar malapit sa ilog.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...