Kabanata XL. Alas

80 34 0
                                    

Prinsipe Cain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Cain

"Prinsipe Cain." Lumingon ako sa tinig na nagmumula kay Maestro Marco. Yumuko ako upang magbigay galang sa kaniya.

Kagaya ng nakasanayan ay kalalabas lamang nito sa silid ng mga binibining nasa ilalim ng kaniyang pagtuturo.

Sinalubong ko ang mga ito ng ngiti nang makitang lumabas din ang mga ito sa silid. Sa aking pagkakaalam ay oras na upang magsanay sila ng mga armas.

Nilapitan ako ng dalawang binibini na siyang tinuruan ko noong humawak ng katar. Masaya ako sa naging balita nila sa akin, tila naging isa na ang kanilang katawan sa hawak nilang mga armas kaya't masaya ko silang binati sa kanilang nakamtan.

"Kung mamarapatin niyo ang aking pagtatanong, Maestro. Sila ba'y handa sa pakikipaglaban sa digmaan?"

Parehas na nabaling ang aming atensyon sa isa't-isa mula sa papalayong bulto ng mga binibini. Nakikita ko rin ang hindi kasiguraduhan sa mga mata ni Maestro Marco na siyang nagbigay kasagutan sa akin.

"Masusukat ang kanilang kakayahan sa gitna ng digmaan, prinsipe. Magagaling ang mga binibining hawak ni Beatrice. Hindi man nagtagal ang kaniyang pagtuturo ngunit sa aking pagmamasid ay nakuha ng mga ito ang ugali at presensyang ibinibinigay ni Beatrice noong panahong ako pa ang guro nito."

Masaya ako sa narinig mula sa Maestro. Hindi nga maitatangging ang ugali ni Beatrice ang dumadaloy sa mga ito. Ang pag-eensayo nila upang maging isang kawal ng kanilang kaharian gayong may iilang mga tao pa rin ang hindi pantay ang tingin sa mga binibini at ginoo ang siyang patunay nito.

"Bumalik tayo sa aking nais, ngayong naglalakbay na si Prinsipe Charles ay sisimulan ko na rin ang aking sunod na hakbang. Darating na ang magiging alas natin sa laban."

Naalerto ako sa minutawi nito. Pinagmasdan ko ang paligid at sigurado akong wala ni sino man ang nasa pasilyong aming kinatatayuan maliban sa aming dalawa ni Maestro. Sino ang tinukukoy nitong darating na alas?

Isang araw na ang lumipas matapos magsimulang maglakbay si Prinsipe Charles patungong Gitnang Kaharian. Ito ang unang hakbang namin sa inaasahang pangmalawakang digmaan mula sa walong kaharian.

"Kaya naman inaatang ko sa iyo ang pagdakip kay Giovanni. Bago lumisan si Prinsipe Charles ay naiulat nito sa akin ang pag-uusap ni Prinsipe Gabriel at Giovanni, hangga't maaari ay kumalap ka ng dagdag impormasyon maliban sa makukuha ni Prinsipe Charles."

Agad akong tumango sa naging utos nito. Nagpaalam ako upang simulan ang aking plano, sa inilahad ni Maestro ay may balak na umalis si Prinsipe Gabriel at Giovanni na agad na napigilan ni ama kaya't tiyak kong nasa kaharian lamang ito at gaya ko'y kumakalap rin ng impormasyon sa aming plano.

"Prinsipe Cain." Lumingon ako sa narinig na tinig. Nasa hardin si Prinsipe Jakob kasama ang isang binibini na siyang kilala ko sa ngalang Payra, isa sa mga estudyante ni Beatrice.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon