Kabanta XLII. Pangako

62 33 0
                                    

Emperador Kalid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Emperador Kalid

"Kalid, anak, makikisuyo ako ng mga tela na hindi pa ipagbibili kinabukasan." Agad akong sumunod sa utos ni ina.

"Kalid, huwag kang magpadalos-dalos, maaaring sumakit ang likod mo sa dami ng dala mong tela." Lumingon ako kay ama na naglalagay ng mga tela sa karwahe upang madala sa tabi ng daungan upang maipagbili sa mga dayuhan o kaya naman i-pang-barter.

Ngumiti ako sa kaniya bago tumugon, "Huwag kayo mag-alala ama, kayang-kaya ito ng aking katawan. Di hamak na mas malaki ang aking mga laman kaysa sa inyo."

Tumawa si ama sa aking sagot bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Simple lamang ang buhay na mayroon kami sa Hilagang-Kanluran. Nabubuhay kami sa pagbibili ng mga tela na nagmumula sa aming kaharian upang ipagbili sa iba't-ibang kaharian.

Matapos kong tumulong sa aking mga magulang ay agad akong dumiretso sa isang kilalang hardin sa Hilagang-Kanluran, malapit lamang ito sa gitnang bahagi kung nasaan ang aming tahanan kaya't doon lumalagi ang aking mga kapatid.

"Lazad, Mahar, Nihana, tayo'y kakain na bago lumisan si ama. Hali na kayo." Mabilis na lumingon ang mga ito sa akin bago tumakbo.

Binuhat ko ang aming bunsong kapatid na si Nihana bago hinawakan ang kamay ni Lazad na hawak ang kabilang kamay ni Mahar bago kami sabay-sabay na umuwi.

"Mahal, maaari ko bang isama si Kalid sa Hilagang Kaharian? Kailangan ni Haring Himalaya at ng pamilya nito ng mga tela para sa kaarawan ng isa sa mga prinsesa ng Hilaga." Naramdaman ko ang kagalakan sapagkat ito ang unang pagkakataon na magtutungo ako sa ibang kaharian. Agad namang sumang-ayon

"Nais mo bang gamitin ang gawang tela ko para sa iyo? Maaari mo iyong magamit patungong Hilaga." Kumislap ang aking mga mata sa narinig.

Ang pilat sa ilalim ng aking labi ay nakuha ko mula sa pag-eensayo. Matinding ipinagbabawal ng hari ang pagpapakita ng resulta ng aming ensayo sa ibang kaharian. Ito ang bunga ng aming kahinaan kaya't ang pagpapakita nito ay isang senyales rin ng pagpapakita ng aming kahinaan sa ibang tao.

Limang araw bago ang kaarawan ni Prinsesa Beatrice ay nagpasiya kaming maglakbay patungong Hilaga. Dalawang araw o higit pa ang bubunuin namin upang makarating sa Hilaga.

"Ama, buong akala ko ay tela lamang ang ating dadalhin ngunit bakit gawang tela na ang nakalagay sa kahon?" Bumaling sa akin ang tingin ni ama.

"Ito na ang ating handog sa kanila anak. Matagal ng tinatahi ng iyong ina ang mga bestida at uniporme ng hari at reyna kasama na rin ang susuotin ng mga prinsesipe at prinsesa kaya't gawa na ang mga ito." Nilingon ko ang mga kahon na naglalaman ng mga tela.

Nawa'y magustuhan ng mga ito ang gawa ni ina, tiyak kong pinaghandaan ito nila ama at ina. Ano kaya ang itsura ng mga ito? Hindi kaya ipagtabuyan kami ng mga ito pagdating doon?

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon