Prinsesa Beatrice
"Anong pangalan mo binibini?" isang tinigng lalaki ang aking narinig na siyang nagpagulat at bumalot ng takot sa aking kalooban.
"S-Sino ka?" tanong ko sa kaniya bago ko pinilit na isingit ang katawan ko sa sulok ng silid. Ngumiti siya sa akin bago sinagot ang tanong ko.
"Ako si Prinsipe Charles. Ika-apat anak ni Haring Edward IX. Ikaw? Anong pangalan mo?" saad nito sa akin ngunit hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko. Dali-dali akong lumapit sa kaniya ngunit ang bakal na nakatali sa aking paa ang siyang pumigil sa akin upang mahawakan ang seldang nakaharang sa aming pagitan.
"Pakiusap kailangan kong makausap ang amang hari mo. Pakiusap Prinsipe Charles." tuloy tuloy ang pagdaloy ng mg luha sa aking mata na siyang nagpawala ng ngiti sa prinsipe. Dahan dahan siyang umupo at ipinasok ang kaniyang kamay sa siwang ng seldang naghihiwalay sa amin. Dahan dahan ang paglapat ng kaniyang daliri sa aking pisngi upang punasan ang aking mga luha.
"P-Pakiusap." hiling ko bago hawakan ang kaniyang kamay at pinagsiklop ito gamit ang dalawa kong palad. "M-May kailangan lamang akong sabihin. Prinsipe Charles pakiusap." daing ko sa kaniya. Muli namang bumalik ang munting ngiti sa kaniyang labi sabay isinaad ang salitang hindi ko inaasahan.
"Kapag sinabi mo ang ngalan mo sa akin ay saka ko lamang papupuntahin si ama dito." labis labis ang aking saya kaya'tnapangiti ako at agad na ibinigay ang aking pangalan. Hindi naman nagsinungaling sa akin ang prinsipe kasabay ng pagbalik niya ng isang matamis na ngiti. Kinabukasan ay nasa harap ko na ang amang hari ng Timog-Silangan.
"Hindi ko mawari ngunit nagkita na ba tayo noon binibini?" saad sa akin ng isang lalaking matikas ang tindig at hawig na hawig ang itsura kay Prinsipe Charles. Umiling ako sa kaniyang sinaad dahil kailanma'y hindi ko matandaan kung saan niya ako napansin.
"Saan ka galing at bakit ka naparito?" saad ng hari bago nagpasalamat sa isang binibining nagbigay ng kape at gatas sa amin. Maganda siya at may korona ding may kaliitin ngunit gayang gaya ito ng sa hari kaya't masasabi kong siya ang asawa ni Haring Edward IX.
"Sa hilagang kaharian kung saan namatay ang aking amang si Haring Himalaya VIII. Nasawi ang mamamayanan dahil sa isang paglusob kaya't humantong ito sa pagbagsak ng aming kaharian. Ibinigay sa akin ng aking namayapang kasama ang papel na nagsasabing matutulungan ako ng kaharian sa timog silangan kaya't pumunta ako dito ngunit may mga kawal na dumakip sa akin saka dinala sa isang maliit na selda." saad ko bago ininom ang gatas at kinain ang tinapay na nakahanda sa akin. Hindi ko napigilang kumain ng lubos lubos dahil sa hindi ko magawang galawin ang pagkaing nasa selda.
"Ikaw ang anak ni Haring Himalaya? Kaya naman pala pamilyar ang mukha mo. Ikaw siguro ang sinasabi nilang prinsesang may katangian ng isang magaling na mandirigma." humalakhak ang mag asawa sa hindi ko malamang dahilan sapagkat nasa pagkain ang buo kong atensyon. Tumayo siya at hinawakan ang aking buhok upang ako'y aluhin.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...