Prinsesa Beatrice
"Binibining Beatrice, ipinapatawag kayo ng mahal na hari sa kaniyang silid-tanggapan." umaga pa lamang ay ang tinig ni Giovanni ang siyang aking narinig.
"Salamat, Giovanni. Ako'y susunod makalipas ang ilang minuto." saad ko bago binuksan ang aking bintana at nagpasiyang mag-ayos.
Dumiretso ako sa silid-tanggapan ng mahal na hari kung saan dito niya ginagawa ang mga mahahalagang bagay sa buong kaharian. Katulad ng dati ay tambak na naman ang mga papel na siyang kaniyang inaasikaso sa pagpapaulad.
"Magandang araw, Haring Edward." bati ko matapos niya akong paupuin sa kaniyang harapan. Isinantabi niya ang mga papeles bago muling humarap sa akin.
"Nalaman ko ang buong pangyayari mula kay Prinsipe Cain. Batid kong masama ang iyong kalooban sa pagkabigo ng iyong plano ngunit ang kaligtasan ninyong lahat ang siyang prayoridad ng misyon na ito." saad niya sa akin bago tunay at lumapit sa bintana.
"Kaya kita pinatawag dito ay hindi para kamustahin ngunit pag-usapan ang tungkol sa desisyon mong pagpapakasal sa aking anak na si Charles." ramdam ko ang kaba sa aking dibdib kasabay ng malalim na pagbuntong hininga.
"Ano ang inyong nais malaman patungkol dito, Haring Edward?" saad ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Tila may pag aalinlangan ang kaniyang mga mata kaya't hindi rin mapakali ang aking pakiramdam.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na pag-isipan ang iyong desisyon. Matapos ang pagpapakasal ni Rafhael kay Prinsesa Froilan ng Timog ay siyang iilunsad sa madla ang inyong pag-iisang dibdib ni Charles." nawala ang tinik sa aking dibdib ng marinig ang sinabi ni Haring Edward. Ngunit kasabay naman ng aking pagdidiwang ang siyang kalungkutan para kay Prinsipe Rafhael. Mukhang ito na nga talaga ang tadhana mo, prinsipe.
"Maraming salamat, Haring Edward. Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Sa pagpatak ng tamang oras ay maibibigay ko ang aking sagot sa iyong kahilingan." ngumiti ang hari sa aking itinuran bago muling umupo.
"Naghihintay na ang mga binibining nais makamtan ang pagiging isang maipagmamalaking tagapagtanggol ng kaharian gaya mo, prinsesa." saad nito. Hindi man bakas sa aking mukha ay nakakaramdam ako ng ligaya at kaba sa pagharap sa mga ito.
"Magandang araw sa inyo." saad ko ng makita ang may di karamihang kababaihan na nakaupo sa isang silid. Agad silang tumayo at pantay-pantay na humilera sa aking harapan at intinukod ang kanilang kanang paa bago yumukod upang magbigay papuri. Agad ko rin naman itong tinugon sa pamamagitan ng pagyukod at pasasalamat.
"Nagagalak kaming makita ka Prinsesa Beatrice." saad ng isa sa kanila na may kulay kayumangging balat at buhok na may malaking ngiti sa kaniyang labi at mga mata. Sa aking pagbilang ay labing dalawa silang mga binibini na aking tuturuan upang ipagtanggol ang kanilang sarili at pamilya.
"Sa ating pagsasanay ay Binibining Beatrice ang inyong gagamitin upang ako'y batiin. Sa ngayon ay wala muna tayong gagawing pisikal na pagsasanay sapagka't kikilalanin muna natin ang isa't isa. Maayos ba iyon?" tanong ko na siyang ikinatango ng mga kababaihan sa silid.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Fiction Historique[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...