Prinsesa Beatrice
"Beatrice." tawag sa akin ng hari ngunit walang kahit anong salita muli ang kaniyang binitawan. Kailangan kong mapanindigan ang bagay na aking sinimulan. Mahirap man ngunit hindi ako maaaring maintimida sa harap ng hari at mga ministro. Alam kong wala akong karapatan na magmungkahi ngunit hindi ko lamang maatim ang kanilang naging desisyon.
Hindi biro ang pagkitil ng isang buhay. May mga bagay munang kailangang isipin bago magdesisyong putulin ang isang mahalagang bagay sa mundo. Isang biyaya ng Maykapal ang buhay kaya't hindi ko maintindihan ang pagpupulong na ito. May asawa't mga anak ang espiyang nabihag nila. May tungkulin siyang maiiwan sa kanilang kaharian at ang pinakahuli mayroon itong bagay na pagsisisihan noong nabubuhay pa siya at ito ay ang gawin ang tama at magbago. Hindi ba nila naisip na baka kontrolado lamang ng kanilang hari ang kaniyang galaw kaya't wala siyang magawa kung hindi sundin ang iniuutos nito.
Kaya't kailangan kong makausap ang hari sa bagay na ito at kapag napatunayang ang pagkitil nga ng buhay ng amang hari ang siyang kaniyang trabaho'y ako mismo ang kikitil sa kaniyang buhay.
"Ipagpaumanhin ninyo aking hari at mga ministro ang aking kapangahasang magsalita ngunit pakinggan niyo ang aking hinaing patungkol sa espiyang inyong nabihag. Sa tingin ko'y may magagawa pa tayo upang malaman natin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito." saad ko bago tumayo at hinintay ang kaniyang tugon sa akin.
"Bilang isang mamamayan ng aking kaharian ay malaya kong pinahihintulutan ang iyong hinaing." saad ng hari na siyang nagpagaan sa aking kalaboon. Hindi ako nagkamaling sundin ang haring aking nasa unahan ngayon kaya't lubos lubos ang aking pasasalamat.
"Ngunit ano namang magagawa ng isang prinsesang katulad mo?" nabaling ang lahat ng atensyon kay Punong Ministro Frederick kaya't nagbalik ang malakas na pintig ng aking puso. Matalim ang kaniyang mga tingin na tila nanghuhusga kung ano nga bang kakayahan ko sa ganitong gawain kung isang hamak lang naman akong dating prinsesa.
"Matalino ang prinsesa kaya't sa tingin ko'y malaki ang maitutulong niya sa aming pag iimbestiga punong ministro." lumingon ako kung saan nagmula ang tinig at doon nakatayo si Prinsipe Charles na siyang nangakong anuman ang aking gawin at sabihin ay siya ang bahalang dumipensa sa akin.
"Haring Edward, Pinunong Ministro Frederick, Maestro Miguel at sa inyo mga prinsipe at obispo, bigyan niyo ako ng isang araw upang isulat ang aking mungkahi at bukas na bukas din ay siyang aking ilalahad ito sa inyong harapan." saad ko na tinanguan ng hari at siya ring sinang ayunan ng punong ministro.
"Sa parehas na oras ay magbalik ang lahat sa curia regis upang ipagpatuloy muli ang pagpupulong." saad ng hari kaya't bumalik na ako sa aking upuan.
"Ngayon nama'y mayroon akong iaanunsyo para sa iyo Prinsesa Beatrice." tumingin ako kay Prinsipe Charles na nakangiti sa akin kaya't mas lalo akong nagtaka sa sasabihin ng aming hari.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...