Kabanata XXIII. Kalid

131 60 22
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

"Matagal ko ng kinalimutan ang paghihiganti, Beatrice. Ngunit ang kahilingingang pabagsakin ang inyong kaharian ay utos ng aking ama," ani Prinsipe Rafhael.

"S-Si Haring Ed-Edward?"

Paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang simabit ni Prinsipe Gabriel. Hindi ko mapigilang mangamba sa inusal niya ngunit naniniwala akong walang kinalaman dito si Haring Edward. Isang magiting na hari at kaibigan ni ama si Haring Edward kaya't hangga't hindi ko naririnig sa mismong bibig nito ang katotohanan sa binibintang ni Prinsipe Gabriel ay hindi ako magpapaapekto.

Maaring isa lamang ito sa taktika ni Prinsipe Gabriel upang sirain ang aking tiwala sa kaharian. Ang kailangan kong gawin ay makaisip ng paraan kung paano makakaalis dito. Walang kahit anong gamit na makikita sa aking silid kaya't ang tanging pag-asa ko na lamang ay ang pagkakataon na alisin nila ako sa silid na ito.

Nasa malalim akong pag-iisip ng marinig ang kalansing ng kadena mula sa labas ng silid. Pinakalma ko ang aking sarili upang hindi ako paghinalaan ni Prinsipe Gabriel sa balak kong pagtakas. Tama ang aking hinala ng pumasok ang prinsipe kasama ang isang lalaking pamilyar sa akin.

Kagaya ng huli naming pagkikita ay ang mga mata nitong kulay abo ang agad na nakahalina ng aking pansin. Nakasuot pa rin ito ng itim na damit balabal habang nakatakip ang tela sa bibig nito. Lumapit sa akin si Prinsipe Gabriel bago kinalagan ang kadena sa aking mga kamay. Sunod na lumapit sa akin ay ang lalaking kasama nito at pinalitan ng lubid na di hamak na mas maginhawa sa aking pulsuhan.

"Ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa kaligtasan ni Beatrice, Kalid. Inaasahan kong maayos mo siyang maihaharap kay ama." saad ni Prinsipe Gabriel bago tinapik ang balikat ng lalaking nagngangalang Kalid.

Lumuhod ito bago tumugon sa prinsipe, "Masusunod aking pinuno."

"Saan tayo tutungo?" tanong ko sa lalaking nagngangaling Kalid. Matapos itong kausapin ni Prinsipe Gabriel ay agad siyang kumilos upang ako'y tulungan. Lumisan na ng silid si Prinsipe Gabriel bago pumasok ang dalawang lalaki na nakaitim na balabal din.

Isang linggo ang aking pananatili sa silid na kinalalagyan ko. Sa loob nito'y umaasa akong may taong darating upang iligtas ako. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako rito ngunit hindi ako mawawalan ng pag-asa.

Prinsipe Charles, alam kong darating ka.

"Lilipat tayo sa Hilagang kaharian kaya't huwag mo ng tangkaing takasan kami dahil mapapaaga lamang ang pagkitil ko sa iyong buhay." Di hamak na mas malamig ang boses niya ngayon kaysa noong una naming pag-uusap. Pansin ko rin ang pag-igting ng mga panga niya dahil sa patuloy na paggalaw ng tela sa kaniyang bibig. Nakakunot din ang kaniyang noo at tila malapit ng magsalubong ang kilay nito.

Hilagang kaharian. Ang kaharian na sampung taon kong nilisan. Ang kaharian kung saan punong-puno ng masasayang alaala mula sa aking pamilya at mamamayan. Ngunit sa kahariang din iyon ko nasaksihan ang digmaan. Ang pangyayaring nagbago sa aking paniniwala at pananaw sa buhay.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon