Pagsasalaysay
Magandang panahon ang siyang sumalubong sa buong palasyo. Mataas ang sikat ng araw kaya't umaga pa lang ay marami nang nasa labas ng kani-kanilang silid upang magliwaliw sa hardin kung saan nakapwesto ang mataas na puno.
Ang mahal na hari kasama ang kaniyang reyna'y nakatayo malapit sa balkonahe ng kanilang silid upang tanawin ang pangyayari sa buong kaharian. Tanaw nila ang mga bahay di kalayuan sa palasyo kasama na rin ang mga mamamayan na masayang nag-uusap usap patungkol sa kanilang buhay.
"Nag aalala ka pa rin ba?" saad ng reyna sa kaniyang asawa bago ito hagkan at yakapin mula sa tagiliran. Agad namang pumulupot ang braso ng hari sa baywang ng kaniyang minamahal.
"Maaari? Hindi mawawala ang pangamba kong maiwan kayo kaya't sinisigurado kong maayos ang kalagayan ng kaharian bago man lang ako mawala." ngumiti siya sa reyna na may nakakunot ang noo sa kaniya. Natawa ang hari dahil sa ibinigay na reaksyon ng kaniyang reyna.
"Huwag mo akong bigyan ng ganiyang sagot mahal na hari at baka ako mismo ang magtulak sayo dito sa balkonahe." ngunit kabaliktaran man ng kaniyang sinabi ang nangyari dahil nakayakap na siya sa hari habang nakatingin rin sa buong kaharian.
"Hindi ko inaasahang makakaya mong mamuno. Lugmok na lugmok ka na noon sa kadahilanang bumabagsak ang kaharian ng ilipat sa iyo ni amang hari ang kaniyang pwesto. Masaya akong hindi na mararanasan ng mga anak mo ang hirap na nangyari sa atin." saad muli ng reyna na siyang nagpabalik tanaw sa mahal na hari.
"Kung hindi dahil kay Haring Himalaya'y wala tayo sa kinatatayuan natin mahal kong reyna. Siya lang ang tanging hari na nagbigay ng tulong sa pabagsak ng kaharian." saad ng hari na siyang nagpatango sa reyna.
Malaki ang utang na loob ng buong kaharian sa Hari ng Hilaga na si Haring Himalaya VIII. Pagkatapos na pagkatapos ng labanan na nangyari noon sa hidwaan ng Hilagang Kanluran at Timog Silangang bahagi ng bansa'y namatay ang kaniyang ama kaya't si Haring Edward IX na ang pumalit sa kaniyang puwesto.
"Mahal na hari may mahalahang ibabalita ako sa iyo." naputol ang pagbabalik tanaw ng mag asawa dahil sa iniluwa ng kanilang pinto ang panganay nilang anak na si Prinsipe Gabriel na naghihikahos mula sa pagtakbo.
"Ama, patay na ang espiyang nahuling nagtangka sa iyong buhay." saad nito na siyang nagpalaki sa mata ng hari. Agad niyang iniutos na ipatawag ang lahat ng sundalo upang mag ikot at hanapin ang siyang may sala. Nagkagulo ang buong palasyo kaya't inabisuhan ng lahat na pumasok ang mga binibini at mga batang prinsipe at prinsesa sa kani-kanilang silid.
Pumasok si Prinsipe Charles sa selda kung saan nakahandusay ang lalaki sa sahig habang may pinggan at baso sa kaniyang harapan. Inutusan niya ang sundalo na tawagin ang kaniyang nakababatang kapatid na si Rafhael upang buhatin ang espiya at dalhin sa isang malinis na kwarto upang tabunan ng isang kumot at itapon sa ilog. Hindi maaaring malaman ng mga mamamayan ang nangyayaring gulo sa palasyo kaya't inutusan niya ang dalawang kawal na itapon ang bangkay nito sa ilog di kalayuan sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...