Kabanata XLVII. Pagbabalik

64 26 0
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

"Beatrice,"

Nang makitang muling ibabaon ni Prinsipe Gabriel ang talim sa akin ay agad kong sinalo ang itinapong espada ni Kalid patungo sa akin.

"Ipagpaunhin mo Prinsipe Gabriel ngunit kailangan kong gawin ito."

Sinalag ng aking espada ang paparating na talim kaya't agad itong nag-iba ng direksyon. Nang makita ang magandang pagkakataon ay agad akong umatake gamit ang aking kamao.

Napaupo si Prinsipe Gabriel sa tabi ng aking bawyang kaya't agad kong itinaas ang aking mga paa upang sipain ito bago tumayo.

Tumayo rin si Prinsipe Gabriel at naghandang umatake sa akin. Magkaharap ang talim ng aming mga espada habang pinakikiramdaman ang galaw ng bawat isa.

"Prinsipe Gabriel, pakiusap. Itigil na natin ito. Hindi ko nais makipagduwelo sa iyo. Ikaw ang tumayong pangalawa kong kapatid kaya't hindi ko maatim na itaas ang espadang hawak ko ngayon."

Walang reaksyon ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Tila sarado ang kaniyang tainga at isipan sa aking nais ipahiwatig.

"Kung nais mong matapos ang duwelong ito'y tiyakin mong ikaw ang nakatayo sa huli."

Sumugod ito papalapit sa akin kaya't wala akong ibang nagawa kung hindi ang iwasan ang pagtama sa akin ng mga talim. Mabibigat ang bawat pagtatama ng aming armas kaya't hindi ko mapigilang mapaatras.

Tanging kami lamang ni Prinsipe Gabriel ang gumagalaw habang nakapako sa kanilang kinatatayuan sina Kalid, Prinsipe Greg at ang magkaibigang Kalid at Kudos habang ang mga kawal ng Timog-Silangan ay bihag pa rin ng Himlayanan.

"Prinsipe Gabriel pakiusap. Hindi mareresolba ng pagpatay sa aming magkakapatid ang pagkabuhay ni Prinsesa Isabel kaya't itigil mo na ito."

Pilit kong din dinedepensahan ang aking sarili ngunit patuloy pa rin siya sa pag-atake sa akin. Agad akong napatigil nang mapasandal sa isang puno kaya't agad na sumilay ang ngisi sa labi ng prinsipe.

Nagtama muli ang aming mga talim ngunit idiniin ito sa akin ni Prinsipe Gabriel kaya't napilitan akong nakapako sa aking kinatatayuan habang pinipigilan ang paglapit ng talim sa aking mukha.

"Mata sa mata, ngipin para sa ngipin. Kung ano ang binawi ninyo mula kay Isabel ang siyang babawiin ko mula sa inyo. Hindi sapat ang pagluhod sa aking harapan, Beatrice. Nais makita ng aking dalawang mga mata ang pagligo niyo sa sariling dugo."

Di hamak na mas malakas sa akin si Prinsipe Gabriel ngunit kung susuko ako sa duwelong sinimulan niya ay tiyak kong hindi na muling babalik ang Prinsipe Gabriel na nakilala ko.

"Kung mata sa mata ang mungkahi mo Prinsipe Gabriel, maaari bang ang buong kaharian niyo ang bawiin ko kapalit ng buhay ng lahat ng mamamayan ng Hilaga na pinatay ninyo noon?"

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon