Prinsesa Beatrice
"Isang pagsalakay ang nangyayari sa timog-silangan ng kaharian. Pinakikiusapang dumiretso ang mga babae at mga bata sa ligtas na lugar malapit sa kaharian. Inuulit ko palikasin ang mga babae at mga bata sa ligtas na lugar sa lalong madaling panahon."
Isang tinig ang siya lamang naririnig sa buong kaharian upang iaanunsyo nang mabilisan ang masamang balita para sa lahat. Nagkakagulo ang buong kaharian dahil sa isang hindi inaasahang pagsalakay. Hindi na marinig ang sigawan ng mga mamamayan dahil sa mga sumasabog na bala ng kanyon. Tila walang nakakarinig sa kanilang hinagpis at paghingi ng tulong sa nakakataas. Ang pag iyak at pagtakbo na lamang ang kaya nilang gawin upang makaalis sa bangungot na nararanasan nila.
Direkta itong tumatama sa likod ng palasyo kaya't nagmamadaling lumikas ang mga tao. Umuulan ng mga bala mula sa naglalakihang mga kanyon. Mga panang sing bilis ng hangin ang paggalaw upang makakitil ng isang buhay. Mga espandang nagbabanlaw na sa dugo mula sa iba't ibang sundalong handang ipaglaban ang kaharian.
"Beatrice. Manatili ka sa iyong silid. Hindi ka mababantayan ng mga nakakatanda mong kapatid kaya't nag iwan kami ng bantay sa iyong kwarto para mapanatili ang kaligtasan mo." nakaluhod sa aking harapan ngayon ang nag aalalang ama para sa kaniyang anak. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya bago tumango.
Paalis na siya ng higitin ko ang laylayan ng kaniyang damit upang makuha ang buong atensyon nito. "Ama... hindi ka aalis sa tabi namin hindi ba?" tanong ko sa kaniya upang masiguro na hindi ko kailangang mangamba para sa kaniyang sarili.
"Hindi anak. Nangako akong ako ang maghahatid sa iyo sa dulo ng altar hindi ba?" ngumiti siya sa'kin bago ginulo ang aking buhok. Tumango ako at agad na sinunod ang kahilingan ng mahal kong ama na tumuloy sa aking silid para sa'king kaligtasan.
Ngunit mukhang hindi na kayang tuparin ni ama ang pangakong binitawan niya sa akin. Nagising akong puro walang malay at buhay ang nakapaligid sa akin. Pinilit kong tumayo kahit na may mabigat na bagay na nakapatong sa aking paanan.
"Ama... Mahal kong ina nasaan kayo?" labis ang aking takot ng makita ni isang tao'y walang nakatayo sa buong kaharian. Ang mga bahay na sira sira at inupos na ng apoy na nanggaling sa alitan ng dalawang kaharian ang siya na lamang makikita sa kapaligiran.
"Kuyaaa... mga kapatid ko, nasaan kayo? Pakiusap huwag niyo kong iwan mag isa dito!" umalingawngaw ang aking sigaw ngunit wala pa rin ni isa ang kumikilos sa mga taong nakapalibot sa akin. Naglakas loob akong tumayo kahit na pipilay pilay ang aking paglakad. Labis labis ang pagtagaktak ng aking pawis upang pilitin ang kaliwang paa ko na makisama upang hanapin ang aking pamilya. Naramdaman ko ang dugong dumadaloy mula sa aking noo papunta sa aking pisngi kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina ko pa nais pigilan.
"Ama huwag kayong ganito sa akin. Nangako kang hindi mo ako iiwan. Alam kong nandito ka, pakiusap gusto ko lang mahagkan ang iyong yakap." tuluyan ng sumuko ang aking kaliwang paa ng matalisod ako sa maliit na blokeng nakaharang sa aking daanan. Agad tumakas ang sigaw mula sa aking labi dahil sa sakit na aking naramdaman. Tuloy tuloy ang pag agos ng aking luha sa kaba at takot na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...