Prinsesa Beatrice
Maraming tao ang nakapaligid sa harap ng palasyo ngayong araw. Malalaman mo agad na mayroong selebrasyon na magaganap sa kaharian dahil sa mga suot ng mamamayan. Karamihan sa mga ito ay medyo pormal upang ipakita na nais nilang makihalubilo sa kasiyahan.
Ang mga kalalakihan ay presentable sa suot nilang magagarang pantalon at pang itaas samantalang nagkikinangan ang mga babae dahil sa maliliit na palamuting bumabagay sa kanilang mga suot na bestida. Ang mga anak nilang wari mo'y kumikinang ang mga mata sa kagustuhang makita ang darating na pamilya.
"Ama, maaari ko bang hawakan ang kamay ni Prinsesa Mallyari?" may sabik na tanong ng bata sa ama. Nakangiti man ay bakas pa rin ang pag aalinlangan ng lalaki dahil sa pagkamot nito sa kaniyang ulo.
"Anak, hindi ko masasagot ang iyong katanungan. Ang mga prinsesa'y kailanman ay hindi tumatanggap ng kamay kung hindi sang ayon sa kanilang kagustuhan." nalungkot ang bata sa inani ng ama at napatango na lamang.
Kanina pa ko nagmamasid sa buong kaharian. Tungkulin kong panatilihin ang kaligtasan ng buong pamilya. Hindi man ito ang unang prayoridad ko pero ito lang ang alam kong kabayaran sa pagligtas nila sa'kin.
"Binibining Beatrice hindi niyo na po kailangan pang lumabas dito. Kami na po ang bahala." saad ni Giovanni na siyang punong bantay upang siguraduhin ang kapayapaan at kaligtasan ng mga dadalo lalong lalo na ang importanteng pamilya na darating.
"Sampung minuto mula ngayon ay darating na ang hari at reyna kasama ang mga prinsipe at prinsesa kaya't magsihanda na ang mga bantay na sasalubong. Panatilihing malayo ang mga tao sa kanila ngunit bantayan ang mga ito kung sila mismo ang lalapit sa mga tao. Naiintinidihan?" Nang sumaludo si Giovanni at agad na umalis ay saka lang ako nagpatuloy sa pag iikot palasyo.
"Prinsesa Beatrice!" napalingon ako sa tumawag sa'kin. Isang matipunong lalaki ang siyang nakangiti sa akin habang nakabuka ang mga braso upang salubungin ako.
"Prinsipe Rafhael! Anong ginagawa niyo dito?" bakas ang gulat at takot sa aking boses sa kadahilang baka mapahamak siya kung hindi nito kasama ang bantay. Ibinaba niya ang mga kamay niya at masayang ngumiti sa'kin.
"Ayos lamang ako Prinsesa Beatrice, hindi naman kalayuan ang pagitan na'tin sa kanila at isa pa hindi naman ako lalabas nang walang kasamang bantay." napahinga ako ng maluwag dahil sa kaginhawaan na naramdaman ko. Inikot ko ang tingin sa paligid at dinala sa gilid at tago ang prinsipe.
"Bakit hindi mo kasama si Prinsipe Charles? Hindi ba dapat sabay sabay kayong dadating?" Dahil sa katanungan ko'y bumulwak ang malalakas na tawa galing sa kaniya. Hindi ko alam kung prinsipe ba talaga siya o sadyang inampon lang siya katulad ng laging sinasabi ni Prinsipe Charles.
"Ginamit ko ang kabayong ipinadala ko kay Giovanni noong isang araw. Sinabi ko kay Haring Edward na nais kong ako lang ang nasa karwahe. Pero sa katunayan ay ginamit ko yung kabayo saka dumaan sa likod ng kaharian." Masayang saad niya na lalong nagpakulo ng dugo ko.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...