Kabanata XXXIV. Misyon

88 36 0
                                    

Prinsipe Narsis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Narsis

Matapos kong makumpira ang katauhan ni Prinsipe Gabriel ay matagal ko ng pinagmamatiyagan ang kaniyang kilos. Palihim ang aking misyon ngunit hindi ko masisisi si Beatrice na dumako patungong Timog-Silangan sapagkat ito lamang ang pinakaligtas na kaharian sa lahat.

Sinubukan kong sundan si Beatrice ngunit hindi pa ako nakakalapit sa kaharian ay nahuli ako ng kawal ng Silangan.

Walang tumatakbo sa isip ko noon kung hindi ang kaligtasan ni Beatrice. Gusto kong kumawala ngunit hindi ako madaling makakaalis sa Silangan sapagkat wala akong pahintulot nang pumasok sa pinakamahigpit na kaharian.

Hindi ako nakapagpaalam kina ama at ina. Doon sa Silangan nakilala ko ang babaeng pinakaimportante sa buhay ko. Hindi ko gustong maging makasarili ngunit nang makita siyang muli ay panandalian kong nakalimutan ang aking misyon.

Hindi naging madali ang aming pag-iibigan ngunit alam kong kami ang nakatakda noon pa man. Hinding-hindi ko bibitawan ang pamilyang mayroon ako.

At ngayong nakita ko nang muli si Beatrice. Handa na ako upang iligtas siya pati na rin ang aking mga magulang. Matagal ko nang pinaghahanap ang kinalalagyan nila ngunit hindi ko inaasahan ang impormasyon na nakalap ko.

Sa kaharian ng Kanluran. Ang ipinagbabawal na kaharian. Sigurado akong naroon sina ama. Kailangan ko lamang ng kaunting oras para maghanda.

Ang isang problema ko na lamang ay si Kalid. Kailangan ko ng tulong nito.

Prinsesa Beatrice

ISANG araw ang lumipas sa pananalagi ko rito sa kubo kasama ang aking kapatid, si Seya, Kalil, Kudos at Kalid. 

Kahapon pa ito tahimik at walang sinasabi ngunit hindi naman ito binibigyang pansin ng aking mga kasama. Ganito ba talaga ang ugali nito sa iba? Bakit tila marami itong nais sabihin kung ako ang kaniyang kasama?

Si Prinsipe Narsis ang tumatayong haligi sa maliit na kubong ito. Lumabas ito kaninang umaga upang kumuha ng mga pagkain at malinis na tubig kasama si Seya. Ang dalawang lalaki na si Kudos at Kalil ang nag-asikaso ng pag-aalaga sa aming kabayo at paglilinis ng mga armas kaya naiwan lamang kaming dalawa ni Kalid sa loob ng kubo.

Wala akong kibo habang naghahanap ng gawain kaya naman naisipan ko na lamang magligpit ng mga tela na hindi pa naayos ni Seya mula kahapon. Wala namang gamit ang kubo na ito kaya inilagay ko na lamang malapit sa kinatatayuan ni Kalid.

Nagdaan ang maghapon na hindi ko man lamang narinig ang tinig nito kaya naman hindi na ako nag-abala pa na pansinin ito.

"Seya, maghain ka na ng hapunan." Agad na sumunod si Seya sa inutos ng kaniyang ama na si Prinsipe Narsis.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon