Kabanata XLVIII. Kasagutan

69 21 0
                                    

Pagsasalaysay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagsasalaysay

Agad na kumilos sina Prinsipe Cain nang matanggap ang sulat galing kay Charles. Hindi ito makapaniwala na tumalikwas ito sa utos na ibinigay ni Maestro Marco para sa prinsipe.

"Ibigay ang sulat kay Prinsipe Rafhael ngayon din."

Ito ang naging utos ng mahal na hari kay Prinsipe Cain na agad sinunod ng kawal. Nang mabalitaan ang pagkilos ni Prinsipe Charles na hindi naayon sa utos niya bilang hari ay agad itong nagdesisyon na sumulat kay Prinsipe Rafhael upang agad na sumunod sa kaniyang kapatid.

"Ama, ano ang ating sunod na gagawin?"

Base sa ibinigay na plano ni Maestro Marco ay gagamitin ang nakuhang impormasyon ni Prinsipe Charles sa susunod na galaw ng kanilang kaharian ngunit dahil sa hindi inaasahang balita ay agad na bumilis ang pagkilos ng kanilang plano.

"Hindi natin maaaring pabayaan si Prinsipe Charles, agad na ipasunod ang kalahati ng kawal sa Kanluran. Ang ruta na kanilang dadaanin ay ang tulay patungong Gitnang Kaharian, ang kalahati ng ipapadalang mga kawal ay palilibutan ang buong palasyo upang masiguro ang hindi nila pagtalikwas sa ating plano. Ilahad na ayon sa akin ang batas at sa oras na sila'y gumalaw ng hindi naayon sa aking iniutos ay agad na maisisiwalat ang kanilang paglabag sa batas ng bansa."

Natapos ang ibinigay na utos na ama kaya't agad na sumunod si Prinsipe Cain upang paghandain ang mga kawal.

"HINDI KO mapagbibigyan ang inyong kahilingan, prinsipe. Hindi namin nais makisama sa inyong pakikipagdigmaan kaya't nagsasayang lamang kayo ng oras sa pagpunta rito."

Ito ang naging desiyon ni Reyna Cleotora sa pagdating ni Prinsipe Rafhael at ang anak niyang si Helen na kasa-kasama ang asawa nitong dating prinsipe ng Hilaga.

"Lilisanin ninyo ang aking kaharian na hindi kasama ang aking taksil na anak kaya't maaari na kayong umalis sa aking harapan."

Hindi bumitaw ang magkahawak na nga kamay ng mag-asawang Narsis at Helen kaya't agad na inutusan ni Reyna Cleotora ang labing-dalawang kawal na palibutan ang prinsipe habang nakatutok ang kanilang mga sibat.

Nahugot ni Helen ang hininga nang mapagtanto ang binabalak ng ina. "Pakiusap ina, hindi ko kayang mawalay sa aking asawa. Ang aking anak na mahina ang pangangatawan ay nangangailangan ng aking aruga kaya't kung inyong mamarapatin ay-"

Naputol ang sinasabi ni Helen nang mapahiwalay ang kamay ng kaniyang asawang si Prinsipe Narsis mula sa kaniyang kamay, may sibat na lumipad patungo rito kaya't agad na umiwas ang prinsipe upang hindi matamaan.

"Huwag kang magmataas sa aking harapan, Helen. Nang oras na nagpasiya kang lumisan ng Silangan upang sumama sa lalaking iyan ay itinakwil ko na ang aking pagiging ina sa iyo. Maiiwan ka rito upang maging serbidora, ito ang iyong kaparusahan at ang tanging paraan upang mawala ang iyong pagkakasala sa iyong kaharian. Sa oras na sumama kang muli sa lalaking iyan ay hindi kayo makakabalik ng buhay sa inyong anak. Kilala mo ako, Helen."

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon