Kabanata XXXII. Hinala

77 40 0
                                    

Prinsipe Narsis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Narsis

"Beatrice, kung nais mong matutunan ang tamang pakikipaglaban gamit ang isang armas ay kailangan mong mag-ensayo higit pa sa aking ginagawa," Hindi pa rin matigil sa pag-iyak ang aking kapatid na si Beatrice sapagkat hindi naging matagumpay ang pagputol nito ng mga kawayan sa aming pagsasanay.

"Sa ganoong paraan ay magiging malakas ka at makakaya mong abutin ang pangarap mo, hindi ba?  Sa tamang panahon ay magagawa mo ring matutunan ang tamang paggamit nito. Narito lamang ako upang turuan ka." Tumigil si Beatrice sa pagtangis sa aking balikat sa narinig.

"Magiging isa akong magaling na prinsesa, hindi ba kapatid ko? Gusto kong maging reyna o di kaya naman ay mamuno ng isang samahan ng mga binibini kung saan ako ang mamumuno kagaya ng ginagawa mo sa akin." Tumayo ito bago tumindig ng maayos sa kaniyang kinatatayuan at ipinatong ang kaniyang kanang kamay sa hawakan ng kaniyang espada.

Ito ang tanda ng pagbibigay respeto sa isang guro o di kaya naman ay sa matataas na posisyon dito sa Hilaga. Hinaplos ko ang kaniyang mga buhok at pinunasan ang mga luhang natira sa kaniyang pisngi bago siya inutusang magpahinga.

Pitong taon na mula ng mamatay si Isabel ngunit nasa puso ko pa rin ang pagdadalamhati. Makikita kay Beatrice ang  pagkahawig nito sa unang prinsesa ng Hilaga kaya naman hindi madaling kalimutan ang alaala ko sa pagkawala nito. Labing dalawang taon na si Beatrice kaya naman marami na itong katanungan na kung minsan ay hindi ko magawang sagutin.

"Bakit may digmaan, Prinsipe Narsis? Maaari naman tayong mabuhay ng mapayapa at nagtutulungan hindi ba?"

Iyan ang isa sa mga katanungan na hindi ko magawang sagutin sapagkat hindi ko nais ipakita sa kaniya ang masalimuot na katauhan ng mundo. Hangga't maaari ay proprotektahan ko si Beatrice kahit pa buhay ko ang maging kapalit nito.

Tinitigan ko ang kalangitan na ngayon lamang muli nagliwanag. Katatapos lamang ng masaganang pag-ulan kaya makulimlim pa ang langit. Hindi ko nakahiligan ang pagtitig sa kalangitan ngunit ng dahil kay Isabel ay natutunan kong pahalagahan ang dati namang hindi kapansin-pansin.

"Beatrice, kapatid ko, tingnan mo ang kalangitan na siyang iyong matatanaw. Kaygandang tingnan hindi ba? Simula pagsikat ng araw hanggang sa ito' y lumubog ay nagpapakita ito ng reyalidad ng buhay."

Ito ang ibinigay kong salita kay Beatrice noon na gusto kong pahalagahan din niya. Alam kong magkaiba sila ng katauhan ni Isabel ngunit hindi mawala sa aking isipan na maaari rin silang magkahalintulad. Bawat araw sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit naging masalimuot ang pagkamatay ni Isabel.

'Hindi ito ang nais ko, prinsipe. Gusto ko lamang siya makasama, sa mapayapa at maligayang bahay kung saan kami bubuo ng pamilya.'

Hindi pa rin nawawala sa aking isipan kung paano humiling ng pagmamakaawa ang aking kapatid sa isang hiling na makasama ng mapayapa ang kaniyang minamahal na si Gabriel.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon