Prinsesa Beatrice
"Wala ng magtatangka sa buhay mo kaya't kung maaari sana'y ibigay mo na ang aming kahilingan." saad ko sa kaniya matapos ikwento ang naging plano namin.
Nakita namin sa kaniyang mga mata na nawala ang nararamdaman niyang takot kanina na siyang pinalitan ng lungkot. Nagbuntong hininga siya bago hinahawan ang aking mga kamay at pinagsiklop bago ngumiti sa aming lahat.
"Maraming salamat sa pangalawang buhay na ibinigay ninyo sa akin. Hindi ko maatim na nagawa kong sundin ang utos na ipapatay ang inyong hari kung ganito ang sukling ibibigay ninyo sa akin." dumaloy ang walang tigil na luha sa kaniyang mga mata na siyang nakapagparamdaam sa akin ng kasiyahan.
Tama ang aking nasa isip, hindi niya gustong gawin ang bagay na ito. Kung hindi napigilan ang desisyong paslangin ang espiyang ito'y maaaring may isang mabuting kalooban ang siyang masasayang.
"Walang anuman ginoo. Masaya kaming makitang maayos ang kalagayan mo ngunit ipagpaumahin mo ang aking katanungan. Ano nga bang ngalan mo at saang kaharian ka nanggaling?" saad ni Prinsipe Charles kaya't minabuti niyang tanggalin ang kaniyang mga luha bago maayos na naupo kaya't naghanda na rin kami upang makinig.
Nakaupo ako sa kamang kinalalagyan ng espiya habang ang mga prinsipe'y nakaupo hindi kalayuan sa amin. Nakatago na rin ang kanilang mga espada sa kaluban na nakatali sa kanilang baywang.
"Ako si Joseph o mas kilala sa tawag na Jose na siyang galing sa kaharian ng Silangan. Isang araw ng may isang lalaking nakadamit na kulay itim simula ulo hanggang paa ang siyang pumasok ng walang paalam sa aming bahay sa oras na makahiga kaming mag anak sa aming kwarto. Labis ang takot ang naramdaman ko para sa aking mga iina ng maglabas siya ng pana na kasing tulis ng isang espada ang pagkakagawa. Hindi ko mawari ang tamang gagawin kaya't kinuha ko ang espadang nakatago sa ilalim ng aming kama." tahimik lamang kaming nakikinig sa kaniyang salaysay.
"Sinubukan kong labanan ang lalaking ito ngunit sadyang mas mabilis siya sa akin kaya't mabilis na tumama ang pana sa aking kaliwang binti. Doon ako nagpasiyang paalisin ang aking pamilya upang makaligtas sa kapahamakan. Mabuti na lamang at bago sila sundan ng lalaking nakaitim ay napigilan ko na siya." tanging ang marahang paghinga naming lahat at ang maliit na tinig lamang ng lalaking espiya ang siyang maririnig sa loob ng silid. Nabuo ang tensyon ng makita naming mahigpit ang pagkakakuyom ng lalaking espiya sa kaniyang kamay.
"Nangako siyang hindi niya sasaktan ang aking pamilya kung susundin ko ang kahilingan niya kaya't wala akong pag aalinlangan na pumayag kahit na may kaalaman na akong taliwas ito sa mabuting paraan. Hindi ko na inisip pa ang aking kapahakanan basta't mailigtas ko lamang ang aking pamilya ngunit grabe ang aking poot ng malaman kong dinakip nila ang mahahalagang tao sa aking buhay ng mahuli ako bilang espiya." namalabis muli ang mga luha sa kaniyang mga mata na siyang nagpalambot sa aking puso.
"Gusto kong bumalik sa kaharian sa Silangan upang makahingi ng tulong ngunit nasisiguro kong kapahamakan lamang ang naghihintay sa akin kung ako'y lalabas sa silid na ito kaya't nagmamakaawa ako sa inyo. Ibibigay ko lahat ng makakaya ko basta't tulungan niyo lamang akong maibalik sa akin ang aking pamilya." saad niya at tumayo bago lumuhod sa aming harapan at unti-unting ibinaba ang kaniyang ulo upang ibigay ang pagmamakaawa sa amin.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Fiksi Sejarah[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...