Kabanata II. Kasunduan

558 195 379
                                    

Prinsesa Beatrice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsesa Beatrice

Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil na rin sa papuring ibinigay sa'kin ng prinsipe. Hindi naman maitatangging makisig din siya katulad ng hari, walang pinagkaiba mula sa mga nakakatanda niyang kapatid at higit sa lahat siya ang may pinakamabuting puso sa kanila. Alam naman ng lahat ang angking kabaitan ng prinsipe na siyang nagpapabaliw din sa iba't ibang kababaihan sa kaharian pati na din sa ibang imperyo.

"Magandang umaga rin sa iyo Prinsipe Charles. Nagagalak din akong makita kang muli." saad ko bago yumukod sa kaniyang harapan. Binitawan niya ang aking palad kaya't ipinuwesto ko ang mga ito sa aking likuran. Tumayo na kami ng tuwid bago ko napagmasdan ang kaniyang suot.

Isang uniporme pangmilitar din kagaya ng suot nang kaniyang ama. Obligado ang lahat ng prinsipe na pumasok sa hukbong militar upang sa oras ng paglusob ng ibang kaharian ay maari nilang protektahan ang kanilang sarili o ang bansa.

Kulay kayumanggi ang suot nito at kitang kita sa mga tsapa ang magigiting nitong nagawa habang nasa loob ng militar. Ang mukha at katawan nitong parang nililok kasabay ng singkit na pares ng matang kung tumingi'y maaring makabihag ng isang binibini at ang kaniyang ngiting sadyang nakakahawa. Hindi maitatanggi anak nga siya ng hari dahil sa kanilang pagkakatulad.

"Maari ba tayong mag usap mamaya pagkatapos na pagkatapos ng anunsyong kailangan nilang sabihin?" nagtataka man sa kaniyang paanyaya ay pumayag akong makipag usap sa kaniya. Nang makita kong nakaupo na ang mga prinsipe't prinsesa ay siya ring paghimok ko kay Prinsipe Charles na bumalik sa kaniyang upuan.

"Prinsesa Beatrice, saan mo nais dumako?" napatigil ako sa paglakad ng marinig ko ang tinig ng mahal na hari. Lumingon akong muli sa hapagkainan ng may pagtataka bago yumukod ng marahan sa hari.

"Nais ko po sanang bigyan kayo ng pribadong usapan, aking hari." sagot ko ng makitang naghihintay silang lahat sa aking sagot. Ngumiti si Haring Edward bago umiling at inumwestra ang kaniyang kamay sa bakanteng upuan sa gitna nila Prinsipe Rafhael at Prinsipe Charles.

Nahihiya ma'y pinagbigyan ko na ang kahilingan ng hari at marahang naglakad patungo sa bakanteng upuan. Kita ko ang galak sa mga mata ni Prinsipe Rafhael at ang maliit na ngiting sumilay sa labi ni Prinsipe Charles.

"Umpisahan na na'tin ang pagkain." Malakas na saad ni Haring Edward. Nagdasal ng pasasalamat ang dalawang pamilya bago nag umpisang kumain. Tahimik at puro kalansing lamang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig sa buong hapangkainan.

Maya maya lamang ay natapos na ang lahat sa pagkain kaya't iniligpit na ng mga serbidor ang lahat ng kagamitang makikita sa lamesa. Tahimik ang buong pamilya habang nag uusap ang dawalang hari. Naramdaman ko naman ang kulbit sa aking kaliwang balikat kaya't doon nabaling ang aking atensyon.

"May alam ka ba sa anunsyong ipapahayag ng hari ngayon?" tanong sa akin ni Prinsipe Rafhael bago sumilay sa dalawang haring nag uusap. Pinanatili namin ang mahinang usapan upang hindi makaistorbo sa ibang tao.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon