Kabanata XXXI. Isabel

80 42 11
                                    

Prinsipe Narsis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prinsipe Narsis

"Hanapin si Beatrice saang sulok man ng kaharian." Mabilis na sumunod ang mga kawal sa utos ni ama.

Napupuyos sa galit at pag-aalala si ama nang malamang walang nakakaalam kung nasaan si Beatrice. Agad akong dumiretso loob ng kaharian kaya agad na bumalik ang aking tamang pag-iisip ng lumapat ang palad ni ama sa aking pisngi.

"At sinabi ko sayong bantayan mo ang kapatid mo, paano na lamang kung pati siya ay mapahamak dahil sa kapahamakan natin?" Hindi mapakali si ama sa kinauupuan habang mahigpit na hawak ni ina ang kamay nito.

Lumingon ang lahat ng marinig namin ang tinig ni Isabel sa labas ng silid. Agad itong pumasok at lumuhod sa kinatatayuan.

"Ako ang magsumamo kay Prinsipe Narsis na pakawalan ako saglit. Pasensya na ama, hindi ako sumuway sa inyong utos. Nag-ikot-ikot lamang ako sa kaharian ng marinig ang masamang balita."

Lumapit si ama kay Isabel at mahigpit na niyakap. Nakita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata ngunit binigyan ko lamang ito ng ngiti. Masakit ang aking pisngi ngunit kailangan ko itong indahin para sa aking kapatid. Nangako akong aakuin ko ang kasalanan kung sila'y mabubuko, salamat na lamang sa Diyos at hindi naghinala si ama.

"Dumiretso ka na sa iyong silid. Kami na ng kapatid mo ang bahala kay Beatrice," wika nito bago hinalikan ang noo ni Isabel. Narinig namin ang mga yabang ng mga paa sa labas ng silid kaya naman agad kaming naalerto.

"Ama, sinasabing nasa loob ng kagubatan si Beatrice. Wala raw itong kasama ayon sa mga nakakita ngunit hindi tiyak ang kaniyang kinaruruonan," ulat ni Prinsipe Lossier, ang sumunod sa akin at kilala bilang ikalawang anak ni Haring Himalaya.

"Ibinibigay ko sa inyo ni Narsis ang responsibilidad na maibalik ang inyong kapatid. Mag-iingat kayo, hangga't maaari ay magdala kayo ng armas." Tumango ako kay ama bago kami lumuhod sa kaniyang harapan.

Hinawakan ni ama ang aking balikat bago nagsalita, "Ipagpaumanhin mo ang aking pagbubuhat ng kamay sa iyo, nawa'y maibalik mo si Beatrice, Narsis, Lossier."

Ngumiti ako kay ama at ina bago kami lumabas. Hinatid muna namin si Isabel sa kaniyang silid bago dumiretso sa kagbutang sinaad sa ulat ni Lossier.

Bakas ang daan kung saan nagtungo si Beatrice kaya madali namin itong nasundan. Ang hindi ko lamang inaasahan ay bakit tila dalawa ang bakas ng mga ito? Hindi naman inaasahan ang biglang pagkawala ng mga bakas kaya agad kaming napatigil.

Pinakiramdaman namin ang paligid, makulimlim na ang kalangitan kaya naman kailangan na naming madaliin ang paghahanap.

"Maghiwalay muna tayo, kapatid ko. Mas magiging mabilis ang ating paghahanap kung magkaibang daan ang ating tatahakin," saad ni Lossier na ikinatango ko.

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon