Kabanata LVIX. Pagtakas

41 4 0
                                    

Pagsasalaysay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagsasalaysay

Ilang minuto bago nabawi ni Kalid at Beatrice ang kanilang sarili sa winika ni Prinsipe Gabriel.

Muling tinitigan ni Beatrice ang mukha ng kaniyang kapatid. May ngiti sa labi nito at parang kalmado ang kaniyang pakiramdam kaya't mapagkakamalan mong tila mahimbing lamang itong natutulog.

Muling namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya nais sisihin ang sarili sa pagkamatay ng kaniyang kapatid ngunit nang lumingin si Narsis sa kinatatayuan ni Beatrice ay nabasa nito ang huling salita na siyang binitawan ni Narsis sa prinsesa.

'Mahal na mahal kita, Beatrice.'

'Mahal na mahal rin kita, kapatid ko. Hinding-hindi mapapantayan ng kahit sino ang lahat ng sakripisyo mo para sa ating pamilya. Pasensya na kung kami ang huli mong nasilayan sa iyong pagkamatay. Pangako, ako naman ang tutupad sa nais mo.'

Hindi niya alam kung paano haharapin ang asawa at anak ni Prinsipe Narsis na si Prinsesa Helen ng Silangan at ang nag-iisa nitong anak na si Seya.

Gagawin nito ang lahat upang mapatawad siya pagkatapos na pagkatapos ng digmaang ito kaya't hindi siya maaaring mamatay.

'Kailangan kong tapusin ang lahat ng ito.'

Tumayo si Beatrice bago nilampasan ang kinatatayuan ni Kalid. Humarap siya sa nakangising pinuno ng Hilaga na mababa ang tingin sa kaniya.

Alam kong hinihintay nitong lamunin ako ng aking emosyon ngunit natuto na ako sa bawat pagkakamali ko.

Ipagpaumanhin mo aking kapatid, kailangan kong iwan panandalian ang aking dignidad para sa planong aking kailangang gawin.

"Gagawin ko ang lahat ng nais mo kung ipapangako mo sa aking wala ka ng ibang idadamay kung hindi ako at ang aking pamilya."

Mas lalong lumawak ang ngiti ng prinsipe na para bang ito ang pinakahihintay niyang sambitin ng prinsesa.

Hindi alam ni Beatrice kung magtatagumpay ba ang kaniyang plano ngunit dahil sa sunod na sinabi ni Prinsipe Gabriel ay agad na napanatag ang kaniyang kalooban.

"Tatlumpung minuto, Kalid. Kailangan mong hanapin ang kinaroroonan ng iyong kapatid na si Nirhana kung nais mo itong makitang ligtas. Sa oras na lumagpas ka sa oras na ibinigay ko,"

Ngumiti ito sa emperador bago dahan-dahang inilagay ang hinlalaki nito sa leeg niya na para bang sinasabi nitong malalagutan ng buhay si Nirhana sa oras na hindi makita ni Kalid ang kaniyang kapatid.

"Kung ako sa iyo'y hindi na ako mag-aaksaya ng oras sa pagtayo rito. Maaaring narito siya sa kaharian o di kaya naman... ay nasa ibang lupalop ng ibang kaharian."

Tatlumpung minuto. Ito lamang ang ibinigay ni Gabriel para kay Kalid na siyang nanginginig sa takot at pangamba para sa kapatid.

'Saan ako magsisimula? Paano kung hindi ako umabot? Ano ang mangyayari sa akin at sa aking kapatid. Kailan ko makikita muli si Nirhana?'

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon