Note: Hello po, habang naglilipat ako sa word for softcopy e napansin kong may doble pa lang kabanata na parehas ang number so kung napapansin niyo nadagdagan ng isa yung kabanata ngayon e kagagawan ko na naman po mwuahaha. Sowwyy~
Note: Hilagang-Silangan po pala ang kakampi ni Haring Himlaya kasama ang hari nitong si Haring Emmanuel. Matagal na pong bumagsak ang kaharian ng Hilagang-Kanluran kung saan nanggaling si Kalid kaya pasensya na pati ako nalilito na shems! Wala na po akong time na magproofread e. Salamat po~
Prinsesa Beatrice
Hindi ko alam kung bakit may dalawang kawal na laging nakabantay sa akin. Humahanap ako ng paraan upang makaalis ng tahimik sa palasyong ito sapagkat may nais akong makausap.
"Beatrice," Lumingon ako sa isang pamilyar na boses.
Pinanatili ko ang aking kalmadong ekpresyon kahit na may pag-aalinlangan sa aking puso.
"Kalid,"
Ngayon ko na lamang muli siya nakita. Bakas sa mga mata nito ang pagod at tila walang tulog na siyang ikipinagtaka ko.
"Nais ko sanang makausap-"
"Nakonsensya ka na ba sa ginawa mo kay Krsyta?"
Natigilan ito sa naging tanong ko. Makikinita ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Ilang minuto ang lumipas nang kumalma ang mukha nito bago nagbuntong-hininga.
Napabuka ang aking labi sa nakitang reaksyon sa aking sinabi. Hindi man lang ba nito ikakaila ang aking paratang?
Hanggang ngayon may maliit pa ring tinig na bumubulong sa aking hindi totoo ang sinabi ni Krysta sa akin. Umaasa akong sasabihin nitong hindi niya kayang gawin ang paratang na ipinatong sa kaniya ng serbidora.
Lumapit ito sa akin bago bumulong, "Kailangan na nating umalis, Beatrice."
Agad akong lumayo sa kaniya kaya't agad na bumalatay ang sakit sa mukha nito. Lumingon ako sa dalawang kawal na matamang nakatingin sa aming dalawa.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Emperador. Kailangan ko nang bumalik sa aking silid."
Paalis na ako nang mahigpit nitong hawakan ang aking siko. "Hahayaan mo na lamang bang maging madugo ang digmaan sa kaharian, Beatrice?"
Kumuyom ang aking mga kamay sa narinig. "Ano ang nais mong gawin ko, Emperador? Kapayapaan ang nais ihatid ni ama kaya't kung maaari lamang ay huwag mong idikit ang iyong kamay sa aking katawan."
Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa akin. Gusto kong bawiin ang lahat ng aking sinabi ngunit tila nalilito na ang aking isipan sa kung ano ang paniniwala nito.
Binitawan nito ang aking siko saka muling nagsalita, "Beatrice, pakiusap buksan mo ang iyong mga mata."
Tila nagsusumamo ang kaniyang mga boses ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Nilagpasan ko siya upag makaiwas sa kaniyang presensya ngunit agad din akong hinila nito pabalik.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...