Prinsipe Charles
"Prinsipe Charles," pinukaw ko ang aking pansin sa bagong dating na si Giovanni. "Ligtas ang lahat ng mamamayan na bahagi sa seremonyas, may mga sugatan ngunit nabigyang lunas na kaagad sila matapos ang kaguluhan."
Tumango ako bago nagtanong, "Ang mga kawal? Kamusta ang kanilang kalagayan?"
Walang namatay sa mga kawal ngunit karamihan sa mga ito ay sugatan marahil na rin sa hindi inaasahang pag-atake ng mga hindi kilalang samahan.
"Maayos na ang mga sugatan, prinsipe. Makalipas ang ilang araw ay makakauwi na sila upang magpahinga gayundin ang mga sibilyan na nasangkot." Tumango ako rito bago siya lumuhod at nagpaalam na may aasikasuhin pang utos mula sa hari.
Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng ikasal ang aking kapatid na si Prinsipe Rafhael. Dalawang araw na rin simula ng mawala ang aking mahal na si Beatrice. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili sapagkat kitang-kita ng aking dalawang mga mata kung paano unti-unting nawalan ng malay ang aking minamahal habang nasa bising ng ibang ginoo.
"Aking kapatid, halina't sumabay ka na sa akin patungo sa Curia Regis. Naroon na ang lahat kaya't ako na mismo ang sumundo sa iyo. Alam kong binabagabag ka ng iyong kunsensya ngunit masisiguro nating maililigtas natin si Prinsesa Beatrice." saad ng aking kapatid na si Rafhael. May benda ang kaliwang braso nito sapagkat nadaplisan ito sa pagprotekta ng kaniyang asawa na si Prinsesa Froilan.
"Simulan na natin ang pagpupulong." saad ng mahal na hari. Tumayo sa gitna ang aking nakakatandang kapatid na si Prinsipe Gabriel upang magsaad ng kaniyang pahayag.
"Mahal na hari, sinasabing ang mga kalalakigang sumugod sa ating kaharian ay mga samahan ng mga hindi kilalang tribo kung saan hindi ito sang-ayon sa pamamalakad ng Gitnang Kaharian. Ayon sa nakalap kong balita sa isa sa mga tauhan na nadakip natin ay isa daw itong hakbang upang ipakita ang kanilang pagpupumiglas at hindi pag-sang-ayon sa pamumuno ng Gitnang Kagharian."
Ibinigay nito ang isang ulat sa hari. "Nakasaad sa ulat na ibinigay sa Gitnang Kaharian ang mga bali-balitang sumugod din ang mga kalalakihang ito sa Hilagang-Kanluran upang magbigay ng babala sa kanilang nais."
Nagbuntong-hininga ang karamihan sa mga obispo habang kaming mga prinsipe ay tahimik na nakikinig. Walang imik rin ang dalawang punong-ministro at si maestro sa narinig na ulat mula kay Prinsipe Gabriel.
"Kung nagbibigay matibo din ito sa Hilagang-Kanluran ng pag-aklas sa kapayapaan ay mababalewala ang paghihinala ni Beatrice sa mga ito? Ano ang nais ng samahang ito?" Nag-iwan ng katanungan ang hari sa amin na agad sinagot ng aking kapatid.
"Ama, walang nakakaalam ng tiyak na motibo ng tribong sumugod sa atin. Ang mga nadakip na kalalakihan ay kusang sumuko at ibinahagi ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagkagat ng sariling dila upang hindi maisiwalat ang kanilang tunay na nais." Napailing ako ng matapos ang panayaman ng aking kapatid.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...