Prinsesa Beatrice
"Ikinagagalak ko ang muling pagbabalik ng ating prinsesa, Prinsesa Beatrice."
Matapos akong ipakilala ni Prinsipe Gabriel o mas kilala bilang Pinunong Saryo sa Hilaga ay agad kong narinig ang sigawan ng mga mamamayan at kawal.
Ipinakilala akong muli sa mga ito upang isang ganap na prinsesa muli ng Hilaga. Ang tanging nasa balkonahe kasama ko ay si Prinsipe Gabriel at Kalid kasama ang tatlong serbidora.
Inaasahan ko ang pagdating ng hari na sinasabing ang aking ama na si Haring Himalaya na nanggaling mismo sa isang serbidora na si Krysta.
"Maaari ka ng pumasok muli, Beatrice." Iginiya ako ni Prinsipe Gabriel papasok sa kaharian bago kami dumiretso sa hapag.
Hindi ko maalis ang aking tingin kay Krysta na pinipilit kausapin si Kalid. Sumasagot paminsan minsan ang lalaki ngunit madalas ay lumilingon ito sa akin.
Kanina pa ito sumusulyap lalo na sa aking katabi na si Prinsipe Gabriel ngunit dahil sa pagsasalita ni Krysta ay agad din itong bumabalik sa pakikipag-usap.
"Krysta, nakahanda na ba ang hapag para sa prinsesa?" Tumingin ang binibini kay Prinsipe Gabriel.
Nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mga mukha na hindi nakaligtas sa aking mga mata. Pinag-aaralan ko ang bawat galaw nito at makikinitang sa Emperador lamang nagbabago ang kaniyang ugali.
Kapag ibang tao ang kausap nito'y mapagkakamalaman mo talagang isang mahinhin at mahiyain ito ngunit kapag si Kalid na ang kaharap nito'y tila wala na siyang naririnig at nakikitang kasama kung hindi sila Kalid kaya't panay ang kwento nito sa iba't-ibang pangyayari na naranasan nito sa Hilaga habang wala si Kalid.
"Opo, Pinunong Saryo. Kayo na lamang at ang prinsesa ang hinihintay ngunit ang amang hari ay hindi makakasalo sapagkat marami pa raw itong gagawin."
Tumango ang aking katabi sa narinig bago muling nanaig ang katahimikan sa amin.
"Emperador, hindi mo ba talaga nais na pagsilbihan kita? Marami akong bagay na alam na talagang makakapagpaginhawa sa iyo kaya't-"
Agad na kumulo ang aking kalamnan sa narinig. Hindi ko nais husgahan si Krysta sapagkat alam ko kung saan ito nagmula ngunit hindi namana ata nararapat na magwika ito ng ganoong mga salita sa harap ng maraming tao lalo na't isang pinuno at emperador ang kaniyang kausap.
"Hindi ko n-" Naputol ang nais sabihin ni Kalid nang maramdaman ko ang pag-ikot ng kamay nito sa aking bewang.
Pababa kami mula sa balkonahe patungong hapag kaya't kinakailangan naming bumaba galing sa itaas ng hagdan ngunit dahil sa pag-okupa ni Krysta at Kalid sa aking isipan ay hindi ko napansin ang isang baitang na siyang hindi ko naapakan na nagbunga ng muntik ng pagkahulog sa hagdan.
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...