Yeheeeey! 🎉
Tapos na sa wakas ang Monarkiya: Ang Pagbagsak.
Unang-una, maraming salamat sa lahat ng umabot dito. Hindi ito kasing ayos at kasing ganda ng ibang storya na inyong mababasa ngunit ang pagtuunan ng pansin at oras ay isang malaking karangalan na para sa akin.
Pasensya na po kung hindi ko naabot ang expectation niyo dahil baguhan lamang ako sa pagsusulat ng ganitong genre. Hindi ko po sure kung ieedit ko ito but ang maipapangako ko lang is hindi po mababago ang takbo ng istoryang ito subalit ang tamang bantas, paggamit ng salita at maliliit na detalye lamang po ang aking babaguhin kung sakali.
Isa pa, marami akong natutunan sa pagsusulat nito. Balak ko na talagang itigil ito noong panahong naghiatus ako for reviewing sa entrance exams ko but sabi nga nila, hindi ka matatawag na isang manunulat kung ihihinto mo ang sinimulan mo. Kaya tuloy lang sa pagsulat kahit feeling mo nakakadrain na siya imbes na nalelessen ang stress mo.
Kaya naman salamat, salamat kay Lord dahil binigyan Niya ako ng lakas at pasensya na tapusin ito. Inaamin kong minadali ko po talaga ang takbo ng istorya ni Beatrice sapagkat sa tingin ko'y mawawalan ng hustisya ang istoryang ito kung paguguluhin ko pa ang mundo ng ating bida kaya sana naiintindihan niyo.
Salamat sa mga silent/ghost readers, ramdam ko kayo pramis mga bes, peksman. Thank you kay TatianaClyne isa ka talaga sa mga motivation ko para magsulat. Salamat sa pagtangkilik hanggang dulo.
wiblue3 omygood bebe tapos na din sa wakas. Celebrate tayo sa messenger after nito! Kaya di ako makapagreply sayo dahil tinatapos ko to bago mag July 8 mwuahahaha!! Luv u always, number 1 supporner natin ang isa't-isa.
Note:
Kung tatanungin niyo ako kung bakit hindi ko binigyan ng highlight si Haring Himlayan ay dahil may sarili siyang kwento! HAHAHA di niya time ngayon kaya wag siya mag-emo no!Si Giovanni? Kamalayan ko sa isang yun. Susulpot din yun kapag tinawag niyo! Malay mo nasa likod mo lang mwuahahaha.
Sa mga nagtataka kung nasaan si Prinsipe Gabriel. Patay na po! Ibinigay ko na kay Lord at baliw na ata yun! Sana magkita sila ni Isabel, kung pwede lang isama ang mga ghost dito binigyan ko na ng POV.
Kung may katanungan pa, feel free to dm me. Di ako nangangat mga bes. Kung may mga plot holes pa na nalimutan ko ng resolbahin ay kayo na po ang bahalang mag-imagine kung ano ang nangyari sa kanila kasi wala na po akong magagawa dahil wakas na!! HAHAHAHA
Hanggang sa muli nating pagkikita, samahan niyo ako sa mga susunod pang mga akda na aking gagawin.
Prinsesa Beatrice and M:AP characters, together with tagapagsulat are now signing off~
~*~
Please support:
[ soon ]
🔜 Si Sinto Ang Aking Sinta [Humor/Romance]
🔜 Call Ended [serye, Romance]BANDA SERYE: [Romance]
🔜 Heart of Melody
🔜 Hallow Scars
🔜 Striking the Beats
🔜 Ranging VoiceSee you soon~
BINABASA MO ANG
Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔
Historical Fiction[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kaharian. Wala ni isa man sa mga mamamayan ang nabuhay habang ang mga dugong bughaw na namamahala sa mga...