Chapter 1

1.1K 61 23
                                    

Rio's Point of View

Rio's Point of View

"May tao ba dyan? Tao po! Parang awa nyo na papasukin nyo ko!" sigaw ng lalaki sa labas kasabay ng kalampag nito sa pinto habang bumubuhos ang malakas na ulan kaya agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa.


"Wag kang maingay, Rio. Mas mahalaga ang ating kaligtasan. Aalis din 'yan," paalala ni Papa.


"Pa, baka naman kailangan lang ng masisilungan," sagot ko habang bitbit ang libro na kanina ko pang binabasa.


"Paano kung isa sa mga Virgin Hunter ang kumakatok? Kapag pinapasok natin iyan, maraming tagalabas ang makakaalam," paliwanag ni Papa habang nagtatago sa dingding na naghihiwalay sa sala at kusina.


"Sana sinama na lang tayo ni mama para hindi na tayo mahirapan dito," bulong ko na narinig pala ni Papa.


"Tumahimik ka, alam mo bang namatay ang mama mo para iligtas ka tapos iyan lang ang sasabihin mo?"


"Alam kong may tao sa loob, kahit makakain lang baka maaaring makahingi, gutom at nilalamig na ko dito. Parang awa nyo na!" sigaw uli ng lalaki sa labas.


"Pa, alam naman pala nya na may tao. Bigyan na lang natin ng pagkain. Kung naandito si mama tiyak ganoon ang gagawin nya," katwiran ko na halatang naaawa na sa lalaking kumakatok. Ito talaga ang kahinaan ko ang bilis kong maawa. No'ng huling naawa ako, ayon ikinamatay ni mama.


"Magkaiba kami ng mama mo. Umakyat ka na nga sa kwarto at matulog ka na," utos ni Papa na naghihintay lamang ng mangyayari.


Umakyat na ako sa kwarto pero patago kong kinuha ang tinapay na nasa lamesa. Ito ang huling rasyon namin para sa buwang ito. Maghihintay na lamang kami uli ng susunod na ayuda na kusang dinadala sa aming bahay ng isang drone. Ilang araw na lang naman ay makakasama na kami ni Papa sa next batch ng mga dadalhin sa Walled City, kung saan dinadala ang mga hindi infected. Nilagay ko ang tinapay sa isang plastic at sinamahan ko na rin ng tuwalya. Pagkatapos ay itinali ko sa kumot na ginawa kong parang lubid. Hindi ito ang unang beses na may nanghingi ng pagkain, kaya hindi rin ito ang unang beses na ginawa ko ito. Binuksan ko ang bintana at ibinato ang kumot.


"Sumabit ang kumot," sigaw ng lalaki.


Sa kamalas-malasan nga naman, kailangan ko tuloy lumapit sa bintana at alisin ang pagkakasabit ng kumot. Nagsuot muna ako ng hoodie para hindi ako makilala ng lalaki. Kinuha ko ang mop sa cr at lumapit na sa bintana.


Nakita ako ng lalaki sa labas, inalis ko sa pagkakasabit ang kumot at muling kinuha ito para muling ihagis. Hawak-hawak ko ang dulo ng pinagdugtong-dugtong kong kumot at initsa naman ang kabilang dulo sa lalaki. Nasalo naman nya ito nang bigla nyang hatakin nang malakas ang kumot. Napasigaw ako nang mawalan ng balanse. Buti na lang nakakapit ako sa bintana pero masyado ata akong maraming nakain kaya hindi ko mabuhat ang aking sarili paitaas.


May pumasok ng kwarto, malamang si papa na narinig ang sigaw ko. "Pa, tulong!" sigaw ko uli.

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon