Josh Point of View
Nakarating na rin ang helicopter sa kuta namin na dating kampo ng mga sundalo. Mga dating sundalo rin kasi ang mga namumuno, isa na si Chief Theodore Guevarra na tatay ni Mario. He's my step-father, hindi ko alam kung bakit sya nagustuhan ng nanay ko siguro dahil mayaman at makapangyarihan. Sixteen years old lang kasi si Mama nang mabuntis ni Papa na sabi'y namatay na raw kaya hindi ko na nakita.
Pagkalapag ng helicopter, inalalayan ko si Des at tsaka kami dumiretso sa may baraks. Pinaalalayan ko rin ang iba sa mga tauhan ni Papa. Kahit hindi nya ko tunay na anak naramdaman ko namang hindi nya ko tinuring na iba. Nirerespeto rin ako ng mga tauhan nya. Pinahiga ko muna si Des ganoon din ang iba tsaka ako dumiretso sa baraks nila Chief Theo.
Iniisip ko kung saan kaya nila kinulong ang mga Camper kaya pagkapasok ko sa baraks nila Chief agad akong sumaludo at nagtanong, "Chief, gusto kong malaman saan dinala ang mga bihag."
"Ang bagal mo talaga kahit kailan. Wala na ang mga Virgin, nakatakas sila," sagot ni Chief.
"Paano? Siguro nga mabagal ako pero hindi ako kasinghina ng mga tauhan mo," katwiran ko.
"Sino bang nagsabi sa iyo na ikumpara mo ang sarili mo sa mga tauhan? Kaya nagdadalawang-isip akong ibigay sa iyo ang pamumuno kasi ang baba ng pamantayan mo," sagot ni Chief habang nagtawanan naman ang mga tauhang sundalong nakapaligid.
"Kung ganoon, ipaubaya nyo po sa akin ang muling pagdakip sa mga Virgin at pangakong dadalhin ko sila dito sa ating kuta," sagot ko.
"Hindi. Masyado kang mainit. Hindi natin kailangan magpadalos-dalos. Katatapos lang ng gulo kaya posibleng naghahanda sila sa muling paglusob. Mabuti pang magpahinga ka muna at bantayan mo ang mga kasama mo. Magpalakas kayo!" paliwanag ni Chief.
"Masusunod!" sagot ko pagkatapos ay lumabas na ng baraks. Napansin kong may babaeng palihim na pinasok ng mga sundalo sa isang baraks. Sinundan ko at nakilala kong si Jean ang babae. Pumasok ako sa baraks na pinagdalhan kay Jean at naabutang kong itinatali sya. Nang mapansin ng mga sundalo na andoon ako, agad silang sumaludo.
"Sir, sya lang ang Camper na nakuha namin," wika ng isa.
"Pakawalan nyo, kasama ko iyan!" utos ko. Agad nilang kinalagan si Jean at dinala sa akin. Wala sa katinuan si Jean malamang nakainom na naman ito ng syrup. Isinama ko si Jean sa baraks na tinuluyan namin nila Des.
"Girl, anong nangyari sa iyo? Gusto mo ba ng sex?" tanong ni Des.
"High pa sya sa syrup. Mamaya pa yan mauuhaw," sagot ko.
"Pahigain mo na lang muna," wika ni Des.
Nagising naman si Ryken at nang makita si Jean ay tumayo ito kahit pa nakahubo. Kinuha nya si Jean at pinahiga sa hinihigaan nya at tinabihan ito.
"Hinay-hinay lang. Pagbalik namin mag-uusap tayo sa gagawing plano," wika ko. Niyaya ko si Des na lumabas at lumipat ng ibang baraks. Bago kami lumabas mukhang nauhaw na nga si Jean at nagsimula na sila ni Ryken sa pagtatalik.
Paglabas namin ni Des nakasalubong naman namin ang mga Virgin Hunter na may dala-dalang babaeng bihag. Hindi ko ito pinansin dahil kanina pa ko gustong masolo ni Des pero si Des naman ang nakiisosyo.
"Josh, tingnan mo kung sino ang nabingwit nila!" ani ni Des.
"Sino ba yan?"
Paglapit ko nakita kong si Rio ang pasan-pasan ng mga Virgin Hunter.
"Paano nyo nahuli yan? Wag na wag nyong gagalawin iyan. Ilagay nyo yan sa isang baraks at itali nyo. Ako ang bahala sa kanya!" utos ko.
"Kami nakakuha, bakit namin ibibigay sa iyo," bulong ng isa.
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Ficção CientíficaMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.