Chapter 17

260 18 0
                                    

Chapter 17

Magi's Point of View

Kinakabahan ako, kanina hindi naman ako ganito pero ngayon pakiramdam ko parang hihimatayin. Nasa dulo pa naman ako, baka kapag bumagsak ako dito, di nila mapansin.

"Harvey, pwedeng palit tayo? Ikaw na lang sa likod nahihilo kasi ako para naman may sumalo sa akin," wika ko.

"Ikaw naman kasi ang nagsabing mahuli," sagot nya pero pinagbigyan nya rin ako sa request ko. Naku, mukhang di gumagana ang charm ko kay Harvey, sabagay di ko rin naman sya bet. Mukha kasi syang mayamang napabayaan sa kusina. Gwapo pa naman sana sya kung magda-diet lang.

Si Mario ang nauuna sa paglalakad kaya sya ang sinusundan namin. Pwede lang namin gamitin ang map sa bracelet kapag nahawakan na namin ang Sunflower Maze. Mukhang magaling naman si Mario kasi hindi pa kami napupunta sa dead end, ngayon pa lang.

"Balik tayo, nagsisimula na siguro gumalaw ang mga pader," wika ni Mario.

Nauna muli si Mario at nahuhuli si Harvey sa paglalakad, tapos may narinig kaming mga nagsasalita kaya nagdahan-dahan kami sa paghakbang ng mga paa. Papalapit nang papalapit kaya sinenyasan na ko ni Mario na gawin na ang Plan A. Kinakabahan talaga ko pero sa akin nagmula ang plano na ito kaya kailangan kong panindigan. Agad akong humiga sa sahig, samantalang nagtago naman ang dalawa. Sana lang hindi gumalaw ang mga pader, pero mukhang nababasa ata nito ang nasa isip ko at bigla ngang gumalaw. Hindi ko alam ang nangyayari dahil nakapikit ako, pero naramdaman ko ang paglapit ng mga yabag at pumalibot sa akin.

"Anong nangyari dito? Iniwan?" tanong ng isa na boses bumbay, malamang si Luis.

"Baka pabigat kaya pinatulog na lang," wika naman ng isa na nakilala ko ang boses, si Ryken.

"Magandang gawing laruan!" ani ng isa na sigurado akong si Vin.

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ng isang babae.

"Ahh, eh di tabihan," biro ni Ryken.

"Pwede bang kami na bahala sa kanya?" tanong ni Vin.

"Gawin nyo ang gusto nyo basta itali para di na makalaban," utos ni Ryken.

Kaloka to si Ryken humanda sa akin to mamaya, nasaan na ba kasi sila Mario at Harvey, gusto ko nang tumayo.

"Atsu!" kung minamalas ka nga naman, bakit ngayon pa hindi nakisama ang ilong ko. Nahalata na nilang gising ako at balak na kong itali nang lumabas na si Harvey at tinulak ang mga lalaki. Nabigla sina Luis at Vin at ilang kasama nito kaya di na nakaiwas. Tuluyan silang gumulong, at nang lapitan sila ni Harvey biglang gumalaw ang pader. Naiwan ang dalawang lalaki samantalang nahiwalay naman sina Harvey, Luis, at Vin.

Nakahiga pa rin ako, samantalang papalapit na si Ryken sa akin nang sumulpot si Mario at yung babaeng kasama nila ay tumakas naman. Nagsimula nang makipagsuntukan si Mario kay Ryken at nakisabay na rin ang dalawang naiwang lalaki. Sinubukan kong gumapang para makatayo pero hindi ako makakuha ng tyempo. "Sana gumalaw ang pader," tangi kong hiling dahil balak ko itulak ang ilang lalaki para naman di masyadong makawawa si Mario dahil baka pagalitan ako ni Rio kung wala akong gagawin.

Habang naghihintay sa paggalaw ng pader bumagsak sa harapan ko si Mario pero agad din syang nakatayo. Iniisip kong tumulong kaso baka hindi pa ko tuluyang nakakatayo, patumbahin na ko. Muli akong lumingon sa pader, gumalaw ito tiningnan ko si Mario, ang tagal nyang tumingin sa akin. Gusto ko sana syang senyasan para gawin ang Plan C, kung saan kailangan nyang palapitin ang mga lalaki para maitulak ko sa pagsasara ng pader.

Tinadyakan ko si Ryken na nasa aking paanan, sa wakas nakuha ko ang atensyon ni Mario. Ako nama'y gumapang palayo at hinintay ang pagkilos ni Mario. Malapit nang magsara ang pader at hinahatak na ng isang lalaki ang paa ko. Ang ginawa ko ay iniikot ko ang katawan ko para mapasunod sya. Patuloy sa palitan ng atake sila Mario at Ryken at ang kakampi nitong lalaki. Hindi ko na mahintay si Mario kaya tinadyakan ko na ang bayag ng lalaki at tinulak. Nakita naman ni Ryken ang ginawa ko at tinadyakan nya rin si Mario at bumangga sa lalaking tinadyakan ko. Ang lalaki ay natumba habang si Mario ay pinipigilan ang pader. Lumapit si Ryken at pinagsusuntok sya sa tyan. Hindi makalaban si Mario dahil ang dalawa nyang kamay ay tulak-tulak ang pader. Tumayo na ko pero nakaharap sa akin ang isang lalaki at nais pigilan ang pagtulong ko. Wala na kong choice kundi dumako sa Plan B.

"Anong ginagawa mo? Sa tingin mo ba makukuha mo ko sa paghuhubad mo?" ani ng lalaki matapos makita akong tinatanggal ang mga damit. Napalingon naman si Ryken sa amin.

"Tulungan mo muna ko dito, pagkatapos nito tsaka natin tatrabauhin yan!" sigaw ni Ryken.

"Kilala ko iyan si Ryken, swapang iyan. Matagal na nya kong gustong makuha kaya malamang papatumbahin ka rin nya para masolo ako," wika ko habang pinapalapit ang lalaki sa akin.

"Hayaan mo, sa akin ka lang! Uunahan ko na sya, solong-solo kita," sagot ng lalaki na di ko naman kinabigla kasi pare-parehong malilibog ang mga Clean.

Nakita ko naman si Mario na tinuhod ang hinaharap ni Ryken. Lumapit na ko sa lalaki na ang tanging suot ay t-shirt at panty. Nilapag ko ang aking kamay sa balikat nya at hinila ang damit. Itinaas nya ang kanyang braso para mahubad ang damit. Nakikita ko naman na nagkapalit na ng posisyon sila Mario at Ryken, si Ryken na ang pumipigil sa pader. Tinanggal ko na rin ang butones ng pantalon ng lalaki at ibinaba ang zipper nito. Hindi na sya nakapagpigil at sya na ang nagbaba ng pantalon nya pero hindi nya tuluyang hinubad. "Ako ang bahala magpasaya sa iyo. Papaamuhin ko ang galit na galit mong alaga!" bulong ko sa lalaki. Infairness mabango sya at maganda ang hulma ng abs, kung di lang kami magkalaban baka bumigay na rin ako sa kanya. Pero loyal ako kay Baby Elio at sa kanya ko lang ibibigay ang pagkababae ko.

"Bilisan mo na, naiinip na ko," bulong naman ng lalaki. Nang makita kong nagsara na ang pader at tuluyan nang natulak ni Mario si Ryken, ginawa ko na ang pinaka-highlight ng Plan B. Inilapat ko ang aking kamay sa bakat na bakat na ari ng lalaki, halatang nakaramdam ito ng kakaibang sensasyon. Hinimas-himas ko at kinapa. "Ganyan. Sige pa!" bulong ng lalaki na tila umuungol na. Nang sarap na sarap na sya bigla kong hinigpitan ang hawak sa kanyang ari na parang sisiw na kinulong sa aking palad.

"Aray-aray! Pu^#*!;& na ka!" sigaw ng lalaki habang nagmumura. Lalo ko pang hinigpitan habang tawa nang tawa naman si Mario. Nawalan ng balanse ang lalaki at natumba. Sinapak ko sya na sinundan pa ng sapak ni Mario kaya tuluyang nakatulog.

Nag-aya nang maglakad si Mario pero bago umalis tuluyan ko nang hinubaran ang lalaki, naguilty ako kasi sobrang namula ang alaga nya. Kinuha ko ang lahat ng damit nya para hindi na sya makahabol pa sa amin. Inilagay ko na lang ang kamay nya sa alaga nya para ipangtakip. Naalala ko naman na naka-shirt at panty lang ako kaya sinuot ko muna ang aking damit. Pagkatapos ay nagsimula na kami muling maglakad ni Mario.

Hindi pa nakakalayo ay nakarinig kami ng yabag ng paa. Sa isang tao lang ito nanggagaling kaya hindi kami gaanong natakot. Naghintay lamang kami at nang makita ang nauuna nyang anino, kami na mismo ang nagpakita.

"Harvey, buti naka-survive ka!" ani ni Mario.

"Ako pa ba? Easy brad, walang kapagod-pagod," pagyayabang ni Harvey.

"Nasa'n yung dalawa?" tanong ko.

"Tulog na," sagot nya.

"Good. Tara hanapin na natin ang trophy!" wika ni Mario.

Bigla naman gumalaw ang mga pader at naramdaman namin ang pagyanig ng sahig. Nagkaroon ng usok dahil sa pagyanig at nang mawala ito tumambad sa harap namin ang Sunflower Maze Trophy. Nagmamadali namin itong tinungo, at nang mahawakan namin umilaw ang aming bracelet at pinakita ang mapa. Bitbit na ni Mario ang trophy nang sumulpot si Josh na bihag-bihag si Baby Elio ko. 

Camp Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon