Rio's Point Of View
Nang tumunog ang ikalawang alarm mas lalo kaming nagmadaling magtungo sa kwarto ni Lisa para sunduin sila ni Claire ngunit hindi namin sila nadatnan sa kwarto. Kinabahan ako nang sunod-sunod na rin ang pagsabog.
"Nasaan sila Claire?" tanong ko.
"Baka naman nasa baba na at kasama sila Magi?" hinuha ni Mario.
"Sigurado ba kayong dito ang kwarto?" tanong ni Doc Gio.
"Oo, wala naman kaming amnesia kuya," sagot ni Mario.
"Teka tatawagan ko sila Magi." Kinuha ni Doc Gio ang phone at nagsalita, "Magi kasama nyo na ba dyan si Claire at si Lisa?" Paulit-ulit si Doc Gio pero walang sumasagot. Nagkaproblema ata sa reception, nakapagtataka dahil satellite phone ang gamit nila.
"Mabuti pa hanapin na natin sila sa ibang mga kwarto," suhestyon ni Mario.
Nagtungo kami sa kwarto ko pero wala rin doon sina Claire. Ganoon din sa kwarto ni Mario. Patuloy kami sa paglalakad nang nakarinig kami ng sigaw.
"Boses ni Claire iyon!" wika ko.
"Sa taas nanggagaling ang sigaw," wika ni Mario.
Agad kaming umakyat gamit ang hagdan kung saan namin narinig ang pinanggalingan ng sigaw. Nakita namin si Claire na takot na takot.
"Si Ate Lisa, si Ate Lisa!" wika ni Claire.
"Anong nangyayari? Anong meron kay Lisa?" tanong ko.
"Si Ate Lisa, papatayin nya daw ung doktor," sagot ni Claire.
"Si Mama!" ani ni Mario.
Agad na tumakbo si Mario na sinundan ni Doc Gio. Inalalayan ko naman si Claire para mabilis kaming makasunod. Nakita namin sa hallway si Lisa at bihag-bihag si Dr. Hidalgo na may tali ang bibig. Tinutukan nya ng injection na may dugo ang leeg ni Dr. Hidalgo.
"Huwag kayong lalapit kung ayaw nyong iturok ko ito sa kanya!" pananakot ni Lisa.
"Lisa, ano bang gusto mo? Baka pwedeng madaan natin ito sa usapan?" pagmamakaawa ko.
"Nakiusap na ko pero hindi nya ko pinakinggan!" sagot nya.
"Kami. Makikinig kami," sigaw ni Doc Gio.
"Oo, pagpasensyahan mo na si Dr. Hidalgo, pangako pipilitin namin syang ibigay ang gusto mo!" pahayag ni Mario.
"Gusto kong gumaling! Sabi nyo may virus ako sa katawan hindi ko lang nararamdaman ang epekto dahil may mali sa utak ko. Gusto kong gumaling dahil gusto kong magkapamilya!" paliwanag ni Lisa.
"Pangako pagagalingin ka namin. Pakawalan mo na si Dr. Hidalgo, sya... sya ang makakatulong sa atin para magawa ang gamot!" paliwanag ni Doc Gio.
"Oo pagtutulungan ni Mama at ni Kuya na mapagaling ka!" sabat ni Mario.
"Gusto ko, ngayon na! Hindi ba magaling ka na rin? Isalin nyo sa akin ang dugo nyo ni Rio!" pagpupumilit ni Lisa.
"Hindi ganoon kadali iyon, at paparating na sila Josh. Susugurin na nila tayo kailangan na nating makatakas," paliwanag ni Mario.
"Pagkarating natin ng Walled City gagamutin ka namin agad-agad!" pangako ni Doc Gio.
"Pls. Lisa kailangan na nating umalis!" muli kong pagmamakaawa.
"Pa'no kung niloloko nyo lang ako? Pa'no ako makakasiguro?" tanong nya.
"Wala kaming dahilan para lokohin ka, hangad namin ang kaligtasan ninyong lahat!" katwiran ni Doc Gio.
"Tama. Pagkatiwalaan mo kami!" dagdag ni Mario.
"Hindi. Wala akong panghahawakan. Ito lang ang paraan para masiguro kong di nyo ko lolokohin."
Tinurok ni Lisa ang injection sa bandang balikat ni Dr. Hidalgo. Wala naman kaming magawa dahil habang tinuturok nya ang injection naglabas din sya ng scalpel at tinutok sa tagiliran ni Dr. Hidalgo.
"Ngayon, mas masisiguro kong gagawa kayo ng gamot para pagalingin ang nanay nyo!" wika ni Lisa.
Biglang may nagpaputok ng baril at tinamaan ang binti ni Lisa. Nabitawan ni Lisa si Dr. Hidalgo at tumakbo papalapit sa amin. Dito ko napansin na si Doc Gio pala ang namaril. Naalala ko na isa syang Doctor in Black kaya sanay syang gawin ito. Napaupo naman si Lisa na hawak ang kanyang binting dumudugo. Lumapit si Doc Gio sa kanya pero pinanakot nito ang scalpel.
"Lumayo ka!" wika nya.
"Tutulungan ka namin. Kailangan ko lang gawin iyon para mapatigil ka sa ginagawa mo at gagawin mo pa. Kung magmamatigas ka, dadagdagan ko pa ang tama mo. At iiwan ka namin dito," pahayag ni Doc Gio.
"Patayin nyo na lang ako!" sigaw ni Lisa.
Di na nakapigil si Doc Gio at hinawakan ang braso ni Lisa at pilit na pinabitaw ang hawak na scalpel. Pagkatapos ay inilagay nya sa likod ni Lisa ang dalawang kamay nito at tsaka tinali. Gamit ang labgown, pumunit dito si Doc Gio upang ipangbenda sa binti ni Lisa na nadaplisan ng bala.
"Iwan nyo na ko!" muling sigaw ni Lisa.
Sa inis ni Doc Gio nag-spray na ito sa mukha ni Lisa at tsaka ito nakatulog. Naalala ko na nakatulog din ako noong pinasan nya ko. Binuhat nya si Lisa tsaka tumungo sa amin. Inalalayan ni Mario si Dr. Hidalgo at nagsimula na kaming maglakad papuntang elevator para bumaba.
"Ma, kumusta? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Doc Gio kay Dr. Hidalgo.
"Wag mo kong problemahin anak, napaghandaan ko na ito. Wag kang mag-alala walang mangyayaring masama. Mas natatakot ako sa pagsugod ng mga VH, bilisan natin!" pahayag ni Dr. Hidalgo.
Ano kayang ibig sabihin ni Dr. Hidalgo na napaghandaan na nya? Paano? Bakit hindi sya nababahala na naturukan sya ng virus? Hindi kaya may nagawa na syang gamot gamit ang mga dugo namin?
BINABASA MO ANG
Camp Virgin (Completed)
Science FictionMarami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.